^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Modernization ng jeepney, ituloy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Modernization ng jeepney, ituloy

NATULOY kahapon ang tigil pasada ng mga jeepney pero hindi tuluyang naparalisa ang transportasyon dahil isang grupo lamang ang nagsagawa nito. Marami pa ring jeepney ang pumasada. Hindi rin naapektuhan ang mga estudyante sapagkat sinuspende ang klase ng mga paaralan sa Metro Manila.

Layunin ng grupong Manibela sa pagdaraos ng tigil pasada na suspendihin ang jeepney modernization na ang deadline ay sa Disyembre 31, 2023. Noon pa dapat nakaraang Marso 31, 2023 ang orihinal na deadline ng modernization pero ipinagpaliban sa Disyembre para makapaghanda ang mga operator sa modernisasyon. Ayon sa LTFRB na 60 porsiyento pa lamang ang nakakasunod sa jeepney modernization.

Noong nakaraang linggo, isang “whistle blower” ang lumantad at sinabing may nangyayaring korap­siyon sa LTFRB kaugnay sa pagbibigay ng prankisa at ruta. Ayon kay Jeff Tombado, humihingi ng P5 mil­yon si LTFRB chairman Teofilo Guadiz III sa ope­rators. Si Tombado ay dating tauhan ni Guadiz. Ma­kalipas ang dalawang araw, binawi ni Tombado ang akusasyon kay Guadiz. Sinuspende naman ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. si Guadiz.

Sinabi naman ni Senator Grace Poe, na dapat ipag­paliban muna ang jeepney modernization dahil sa sumingaw na katiwalian. Hindi raw makatwiran na mawawalan ng ikabubuhay ang mga driver na maaapektuhan ng modernization. Dapat maimbestigahan ang sumingaw na katiwalian sa LTFRB.

Hindi nararapat ipagpaliban ang pagpapatupad ng jeepney modernization dahil may lumutang na katiwalian. Maari namang imbestigahan ito pero ituloy ang planong modernisasyon.

Para madaling makasunod o makatugon ang ope­rators sa modernization, tulungan ang mga ito ng pamahalaan na makabili ng mga modernong jeepney na abot kaya ang halaga. Kung maaari panati­lihin ang anyo ng mga jeepney na naging tatak na sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang modern jeepneys­ ay nagkakahalaga ng P700,000 hanggang P1-milyon. Hindi ito kakayanin ng operators kaya dapat tulu­ngan ng pamahalaan.

Kung matutulungan ng pamahalaan na makabili ng modern jeepney ang mga operator, matutuloy ang modernization. Bakit hindi kunin ang tulong ng mga sikat na jeepney makers na gaya ng Sarao Motors, Francisco Motors, Malaguena Motors at iba pa. Maaring may maiambag sila. Subukan ito ng pamahalaan at baka ito ang susi para magtagumpay ang jeepney modernization.

JEEPNEY

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with