^

PSN Opinyon

Pinas, panig sa Israel

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Bilang isang Kristiyanong bansa, dapat lang na nasa panig tayo ng Israel na ngayo’y ginigiyera ng Palestinians sa pama­magitan ng teroristang Hamas. Tanggapin man ito o hindi ng iba, ang ugat ng sigalot ay relihiyon.

Sinabi na nang tahasan ni Presidente Marcos na sa naga­ganap na digmaan, tayo ay kakampi sa Israel, ang bansang sinilangan ni Panginoong Hesukristo. Sa salitang Hebreo na gamit sa Israel, ang Hamas ay nangangahulugan ng karahasan. Ang mga nangyayari ngayon sa Israel ay nakapro­pesiya na sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Ang nangungunang kalaban noon ng mga Israeli ay mga Philistines na nagtatangkang agawin ang lupain ibi­nigay­ ng Diyos sa Israel. Ang mga Philistines ay kilala ngayon bilang Palestinians.

Kaya hanggang ngayon, nagpapatuloy ang pagtatang­kang palayasin ang mga Israeli sa maliit na lupaing ibinigay ng Diyos. Sa matagal na panahon, naitaboy ang mga Israeli sa iba’t ibang panig ng mundo pero kinasihan pa rin sila ng Diyos at nakabalik sa tinatawag na lupang pangako.

Ngunit sa kabila nito, lagi itong inaatake ng Palestinians na lagi rin namang nabibigo dahil ang kakampi ng Israel ay ang Diyos. Sabi ng Salita ng Diyos “if God is for you, who can be against you?”

Maliit na bansa ang Israel na nasa gitna ng mga hostile nations. Pero ito ay malakas at laging panalo sa labanan. Patuloy nating ipanalangin ang bansang ito. Kahit pa ka­kampi nito ang Diyos, tayong mga nananampalataya kay Kristo ay dapat magkaisa sa panalangin.

vuukle comment

HAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with