^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan ang COVID

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bantayan ang COVID

Maraming inuubo ngayon at tinatrangkaso. Sa mga botika ay maraming bumibili ng gamot para sa ubo at lagnat. Sabi ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakatrangkaso ay dahil sa pagpapalit ng klima—mula sa mainit ay nagi­ging malamig. Dala rin umano ng madalas na pag-ulan kaya marami ang nagkakasakit. Asahan na raw sa ganitong panahon ang pagtaas ng kaso ng pagtaas sa communicable disease infections.

Ayon sa DOH ang mga respiratory infections ka­tulad ng trangkaso at COVID-19 infections ay inaasahan nang darami dahil sa tag-ulan at sa paparating na malamig na panahon o amihan na karaniwang naga­ganap kung Disyembre. Kumakalat ang viruses dahil sa pagpapalit ng klima o panahon—mula sa mainit ay magiging malamig.

Nagbabala rin naman ang DOH sa posibleng pag­­dami ng kaso ng COVID sa ganitong panahon. Naka­pagtala ang DOH ng 181 kaso ng COVID mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 8. Mataas daw ito ng tatlong porsiyento sa mga kasong nai-report noong Set­­yem­bre 25 hanggang Oktubre 1. Ayon sa DOH, nakapagtala ng 176 na kaso sa mga petsang nabanggit. Mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 8, may kabuuang 1,264 na bagong kaso ang naitala. Sinabi rin ng DOH na 12 pasyenteng may COVID ang nasa kritikal na kon­­­disyon. Naitala naman ang anim na namatay sa COVID sa mga nakaraang linggo. Isa ang naitalang namatay mula Setyemre 25 hanggang Oktubre 1.

Niliwanag naman ng DOH na ang pagtaas ng flu-like illnesses sa ilang probinsiya ay hindi dahil sa tina­tawag na Nipah virus—isang bat-borne, zoonotic virus na unang na-detect sa India

Banta pa rin ang COVID kaya hindi pa rin dapat maging kampante ang mamamayan. Bagama’t hindi ito kasingdami ng mga kaso sa mga nakaraan, hindi dapat balewalain ang paalala ng DOH na mag-ingat pa rin ang lahat para makaiwas sa COVID. Totoo na kahalubilo na ng mamamayan ang virus at kaila­ngang maging maingat para hindi tamaan nito.

Sundin ang lagi nang paalala ng DOH na iwasan ang matataong lugar at para makaiwas, sundin ang mga nakaugalian nang pagsusuot ng face mask kapag magtutungo sa matataong lugar o sumasakay sa mga pampublikong sasakyan. Palaging maghugas ng kamay. Gumamit din ng pang-disinfectant gaya ng alcohol. Huwag mamalagi sa mga lugar na walang sapat na bentilasyon.

Sa lahat ng ito, pinakamainam pa rin ang pagbabakuna para ganap na makaiwas sa nakamamatay na virus. Ayon sa DOH, maaring magpabakuna sa barangay health centers.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with