^

PSN Opinyon

Legal hindi medikal na sakit

IKAW AT ANG BATAS! - Atty.Jose C.Sison - Pilipino Star Ngayon

Si Liza ay nagtatrabaho bilang Cultural Assistant ng Philip­pine Embassy sa Madrid nung nakilala niya si Berto na noo’y nag-aaral ng master’s degree. Pagkaroon ng madalas na pagtatagpo hiniwalayan nila ang “kanilang mga partners” at silay nag-live in sa Madrid. Noon ay kailangan bumalik­ sa Pilipinas si  Berto para humanap ng trabaho at pagkaraan pa ng dalawang taon umuwi na rito si Liza upang magpakasal na sila. Dalawang araw pagkatapos ng kasal bumalik na si Liza sa Madrid at naiwan dito si Berto dahil sa kanyang trabaho.

Habang nasa Madrid si Liza, nagkarelasyon si Berto kay Cely. Nalaman ito ni Liza nang makita niya sa cell phone ni Berto ang romantiko at malibog na mga mensahe ni Cely.

Inamin ito ni Berto at nangakong di na mauulit. Ngunit hindi pa rin siya umuuwi at napag-alaman ni Liza na nagtatalik na si Berto at Cely. Pinagbigyan pa rin ni Liza si Berto at nagplano na silang pumunta ng Canada kung saan si Liza nagtatrabaho. Ngunit malungkot pa rin si Berto at ma­­dalas hindi umuuwi. Napag-alaman pa rin ni Liza na nagtatalik si Berto at Cely sa harap ng ibang tao.

Matapos aminin ni Berto ang kanyang ginawa, pinatawad pa rin siya ni Liza. Pero noong ipanganak ni Liza ang pangalawa nilang anak, hindi na natulog si Liza sa parehong kuwarto at wala na silang pagtatalik hanggang sila ay  maghiwalay na. Mula noon huminto nang sumuporta si Berto sa kanilang mga anak.

Ayun nga kay Liza maski noong nagsasama sila, hindi sila sinusuportahan ni Berto dahil palaging walang trabaho ito at natutulog nang matagal. Hindi niya inaalagaan ang kanilang anak kahit may mga sakit ito. Hindi rin siya pumupunta sa mga aktibidad ng mga anak sa school at madalas pang saktan ang kanilang panganay.

Kaya nagsampa na ng petisyon si Liza sa korte (RTC) upang ideklarang walang bisa ang kasal nila sa simula pa dahil sa walang sikolohikal na kakayahang gumanap si Berto ng kanyang tungkulin bilang asawa.

Tumestigo si Liza at inilahad niya ang lahat ng mga pangyayari. Si Dra. Rosa delos Reyes ay tumestigo rin at sinumite ang kanyang report base sa kanyang pagtatanong at pagsusuri kay Liza at sa mga pakikipagusap sa kanyang mga anak. Sabi ni Doktora na si Berto ay (1) hindi makapagtrabaho nang matagal; (2) lagging nakikipagtalik sa ibang babae; (3) hindi ginagalang ang mga Karapatan ng kanyang asawa at anak lalo na ang pagsuporta sa kanila; (4) pinapabayaan ang kanyang asawa at anak; (5) paggamit sa kanyang asawa upang matamo ang kanyang mga kailangan at gusto; (6) pagbibigay ng importansiya sa kanyang sarili; at (7) ang palaging pangangailangan ng atensyon.

Base sa mga testimonyang ito, dineklara ng RTC na walang bisa ang kasal ni Liza at Berto sa simulat-simula pa dahil sa walang sikolohikal na kakayahan ni Berto na gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa.

Ito ay binaliktad ng Court of Appeals (CA) dahil ito ay base lang sa pagtatanong kay Liza at di napatunayan na ang sikolohikal na walang kakayahan ni Berto at grabe talaga at di na mapapagaling. Tama ba ang CA?

Mali sabi ng Supreme Court (SC) at binalik ang desisyon ng RTC. Ayon sa SC ang pruweba tungkol sa personalidad ng mag-asawa ay di naman kailangang manggaling sa isang doctor. Ordinaryong testigo lang ay sapat na upang patunayan ang kinikilos ng isang tao kung lagi nila itong na oobserbahan.

Base rito ay maari nang magpasya ang korte na ang mga kilos na ito ay nagpapatunay na talagang malubha ang sikolohikal na walang kakayahan ni Berto. Kaya talagang napatunayan ni Liza na si Berto ay walang kakayahan, sikolohikal ng gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa (Alberto vs. Alberto and Republic G.R. 236827, April 29, 2022.

BERTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with