^

PSN Opinyon

Uminterbyu kay Bantag dapat bang kasuhan?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Palagay ko, higit na mabigat ang naging kaso ni dating Senador Gringo Honasan nang siya ay isang colonel na nanguna sa serye ng kudeta para ibagsak ang pamahalaan ni Cory Aquino noong 1986.

Naging wanted si Gringo at kung saan-saan nagtago. Hindi mahagilap ng pamahalaan pero halos araw-araw ay nakakapanayam sa media.

Nakapagtataka na ang mga news reporter sa television, radio at pahayagan ay madalas siyang makapanayam, pero hindi siya madakip ng mga awtoridad.

Ngunit sa kabila niyan, wala ni isang media personality o entity na kumapanayam kay Honasan ang kinasuhan ng contempt of court. Mabigat ang kaso niya dahil ito’y krimen laban sa estado.

Balak daw ng Department of Justice na sampahan ng kaso ang tatlong vloggers na kumapanayam kay dating Pri­sons Director Gerald Bantag na nahaharap sa kaso ng pagpatay sa kabarong komentarista sa radyo na si Percy Lapid. Kasong contempt of court daw ang isasampa sa vloggers.

Matagal nang nagtatago sa batas si Bantag. Nauna lang ng bahagya sa pagtatago si dating Rep. Teves na ina­aku­sahan namang pumatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Hindi ko sinasalungat ang desisyong iyan kung talagang ito’y naaayon sa batas. Nagtatanong lang ako kung bakit hindi ito inilapat sa mga kumapanayam kay Honasan.

Bakit hindi na lang imbitahan ang vloggers at baka makapiga ng impormasyon kung saan nagtatago ang mga tinutugis na kriminal?

CORY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with