^

PSN Opinyon

Broccoli at cauliflower panlaban sa kanser

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang broccoli at cauliflower ay tinagurian ng mga eksperto na pinakamasustansiyang gulay. Ayon sa U.S. Department of Agriculture, ang broccoli ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa orange. Kasing-dami ang calcium ng broccoli sa isang basong gatas. Ang mga sanga ng broccoli ay may tatlong doble ng fiber kumpara sa isang piraso ng wheat bread.

Narito ang mga sakit na puwedeng matulungan ng broccoli at cauliflower:

1. Para sa mga babae—Ang broccoli ay may kemikal na sulfo­raphane na makatutulong sa pag-iwas sa breast cancer. Ang sulfo­raphane ay pinipigilan ang isang estrogen metabolite na may kaugnayan sa breast cancer. May taglay na folic acid ang broccoli na kailangan ng bata sa sinapupunan. Mayroon din itong calcium na makatutulong sa pag-iwas sa osteoporosis.

2. Para labanan ang kanser—Ang sulforaphane ay nagpapa­rami ng isang selula na kung tawagin ay ‘helper T-cells.’ Tinu­tulungan nito ang ating atay na tanggalin ang mga dumi na nalalanghap natin tulad ng usok ng sigarilyo, usok ng sasakyan, at mga gamot at alak na ininom. Ayon sa pagsusuri sa Tokyo at Singapore, makatutulong ang broccoli at cauliflower sa pag-iwas sa kanser sa balat at kanser sa baga. Sa katunayan, ayon sa World Cancer Research Fund, may 206 pagsisiyasat ang nagsasabi na ang broccoli at cauliflower ay pangontra sa kanser sa bibig, lalamunan, suso, tiyan, baga, lapay (pancreas) at bituka. May panlaban din sa Alzheimer’s disease, diabetes, sakit sa puso at arthritis.

3. Para sa mataas ang kolesterol—Ang fiber na taglay ng broccoli ay makatutulong sa pagbaba ng kolesterol sa dugo at ma­sa­sabi nating makalilinis sa ating bituka.

4. Para pumayat—Hindi nakatataba ang mga gulay kumpara sa karne at matatamis na pagkain. Ang isang tasa ng broccoli o cauli­flower ay may taglay lamang ng 46 calories. Kung gusto ninyong pumayat, kumain ng maraming gulay para mabusog agad.

5. Para lumakas ang katawan—Maraming antioxidants (panlaban sa sakit) ang broccoli tulad ng beta-carotene, vitamin C at glutathione. May mga eksperto ang nagsasabi na mas mabisa ang natural na glutathione na galing sa gulay dahil tinutulungan nito ang ating atay na alisin ang masasamang kemikal tulad ng lead at mercury.

GULAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with