Guwardiya sa 7-ektaryang lupa sa QC, kinasuhan sa PNP SOSIA!
Lumalaki ang sunog sa 7-ektaryang lote sa New Manila, Quezon City na ayon sa korte ay pag-aari ng Titan Dragon Properties Corporation. Dahil sa pakikialam ng security guards ng Black Knight Security Agency nang i-serve ang Writ of Execution ng Korte noong September 1, sila ngayon ang pinag-initan.
Nagsampa ng kasong paglabag ng R.A. 11917 (Private Security Services Industry Act), ang Titan Dragon sa PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) na bawiin ang license to operate ng Black Knight Security Agency. Araguuyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Ano pa nga ba!
Sa kanilang affidavit complaint, sinabi ng Titan Dragon na hindi tumalima ang Black Knight sa kautusan ng Korte na babakantehin ang 7-ektaryang property na una nang pinatunayan na pag-aari ng kompanya.
Sa 22 pahinang desisyon ng 5th division ng Court of Appeals, tuluyan nang ibinasura ang petition for certiorari na inihain ng pamilya ni Marlina Veloso-Galengzoga na humihiling na ipawalang bisa ang naunang desisyon ng Quezon City regional trial court (RTC) na nagkakansela sa titulo ng pinagtatalunang property.
Una nang ipinag-utos ng CA sa biyenan ni Atty. Levito Baligod na bakantehin na ang nasabing lupain na kanilang inaangkin. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Iginiit ng kampo ng Titan Dragon na hindi natuloy ang pag-serve ng Writ of Execution nitong September 1 dahil hinarass ng mga security guards ng Black Knight ang sheriff na si Francisco San Andres. Hindi lang ‘yan, nagpaputok din ng warning shots ang mga guwardiya kaya umiwas na lang sa gulo ang elemento ng Quezon City Police District (QCPD) na kasama ni San Andres. Tsk tsk tsk! Ambot sa kanding nga may bangs!
Eto pa. Sa pamamagitan ng mga drone footage nakumpirma rin ng QCPD na may bitbit na high powered firearms ang mga security guards ng Black Kinight na umuukupa sa property na malinaw na paglabag sa standard operating procedure (SOP) ng PNP SOSIA. Araguuyyyyy!
Dahil sa drone footages na ito, hiniling rin ng Titan Dragon sa PNP SOSIA na inspeksyunin ang mga naka-deploy na tauhan ng security agency sa nasabing property. Dipugaaaaa! Ano kaya ang masasabi ng management ng Black Knight dito?
Nakiusap din ang Titan Dragon sa kampo ni Attorney Baligod na tumalima sa utos ng korte at bakantehin ang nasabing lupain upang payapang mabawi ito ng kompanya. Samantala, hindi rin isinasantabi ng Titan Dragon ang karagdagang legal na hakbangin para maipatupad ang pinal na desisyon ng korte. Sal-it!
Hahaba pa ang kasong ito dahil bibigyan din ng PNP SOSIA ang management ng Black Knight na sagutin ang reklamo ng Titan Dragon laban sa kanila. ‘Wag kumurap mga kosa! Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa kasong ito. Abangan!
- Latest