Ang pagbisita ko sa Amerika ng mahigit isang linggo ay hindi lamang para bumisita sa ating sister city na Los Angeles, kundi para rin pumunta sa New York at umattend ng mahahalagang meeting doon. Noong September 18 ay winelcome ako sa Times Square, New York ng mga “empowered women” na buong-pusong nagsusulong ng iba’t ibang programa para sa komunidad. Nagbigay ako ng speech sa Women’s Federation for World Peace International (WFWPI) Office for UN Relations-New York at ang National Federation for Filipino-American Associations (NaFFAA)-Northeast Region tungkol sa paksang “UN and Local Government Initiatives to Achieve the SDGs.”
Dito ay ikinuwento ko ang success story ng Makati at kung gaano kalaki ang naging impact ng mga Public-Private Partnership sa pag-usad ng ating mga smart city initiative at programa sa climate change. Isa sa mga opisyal ng NaFFAA si Loida Nicolas-Lewis, isang abogadang Filipino-American. Siya rin ay isang tinitingalang entrepreneur sa buong mundo. Alam niyo ba na siya ang kauna-unahang Filipina lawyer na nakapasa sa New York state bar? Napakataas ng respeto ko kay Mrs. Lewis kaya naman masaya akong makilala siya sa Town Hall meeting na ito sa New York.
Bilang Board Member ng Global Covenant of Mayors (GCoM) ay regular akong dumadalo sa mga meeting nito upang magbigay ng updates at reports sa aking area na Southeast Asia. Hindi lang po Makati at Pilipinas ang mino-monitor ko pagdating sa mga sustainability climate action efforts, kundi ang ibang mga lungsod din sa rehiyong ito. Naging panelist din ako sa isang talakayan tungkol sa paksang “Unlocking Urban Energy Access and Poverty report launch campaign” kasama ang iba pang mayors ng GCoM. Dito pinag-usapan ang “energy poverty” na isa pa rin sa malaking problema nang maraming lugar sa Southeast Asia.
Sa progresibong lungsod tulad ng Makati, maaaring hindi halata ang kawalan ng kuryente at kahirapan. Pero sa totoong buhay, milyun-milyon pa rin ang walang access sa kuryente at maayos na pagkain kaya nahihirapang makaangat sa buhay ang mga indibidwal at ang kanilang komunidad. Ito ang isa sa major themes na gusto kong i-present sa darating na COP28 climate conference sa Dubai, UAE. Bilang miyembro ng advisory committee, mayroon akong pagkakataong maipaalam sa mga tinatawag na first-world nations ang sitwasyon ng mga mas mahihirap na lungsod sa ibang bahagi ng mundo.
Mayroon tayong determinasyon, mayaman tayo sa inobasyon, ngunit kapos tayo sa pondo para ipatupad ang mga planong ito. Kailangan talaga natin ng access sa climate finance para isakatuparan ang mga pangarap natin para sa komunidad. Kailangan ding mag-invest sa sustainable infrastructure, public transportation, at climate resilience measures para ihanda ng mga lungsod para sa mga paparating pamg hamon ng climate change. Nakakatuwang napaka-receptive ng international audience sa aking mga ideya at suhestyon. Willing din silang magbigay ng tulong at umalalay sa atin habang nagbabalangakas tayo ng mga plano at programa para sa isang mas sustainable, resilient, at progresibong kinabukasan.
Ngayong linggo ay back to City Hall na po ang inyong #ProudMakatizen. Salamat po sa pagsama sa akin sa aking paglalakbay!