^

PSN Opinyon

Honest Pinoys mas marami

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko na mabilang ang mga balita tungkol sa mga taxi drivers na nagsasauli ng mga naiwang pera ng mga pasahero. Gayundin naman ang maraming nagtatra­baho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kalimitan ay janitor o mga airport guards, na nakakapulot ng naiwang mamahaling gamit o salapi ng mga pasahero. Ibi­nabalik nila ito sa mga may-ari na ang kapalit kung minsan ay “thank you.” Minsan naman ay binibigyan din sila ng pabuya.

Pero mas mahalaga ang karangalang natatamo nila kapag nag-viral sa lahat ng media ang kabutihan nila.

Minsan, limpak-limpak na dolyares ang ibinabalik nang walang panghihinayang. Kahit hindi pobre ang tao, ang mala­laking halaga ay nakatutuksong angkinin lalo pa’t walang ibang nakakita nang mapulot ito. “Topo-topo barega” ang katwiran ng mga walang budhi.

May narinig akong kinapanayam sa radio matapos isauli sa may-ari ang napulot na kalahating milyong piso. Aniya, kahit maliit ang sahod niya at may mga pinag-aaral na anak, hindi kaya ng kanyang konsensiya na angkinin ang hindi sa kanya.

Kasalu-saludo ito dahil sa kabila nang kanilang kara­litaan, nagagawa nilang ibalik ang malaking halaga na pu­wedeng magpasimula sa kanilang pagyaman.

Paminsan-minsan, may mga nakakadismayang insi­dente ng pagnanakaw sa mga dayuhan na naganap sa ating pandaigdig na paliparan.

Isa na rito ang empleyada ng NAIA na kumupit ng $300 sa wallet ng isang dayuhang Chinese at para huwag mahalata ay nilunok niya ito. Malas lang niya porke nahagip ng CCTV camera ang pagsubo niya sa pera.

Isang batik na naman ito sa image ng NAIA, pero sana, alalahanin ng mga dayuhan ang mga nakararaming tapat na kagawad ng NAIA na nagsasauli ng mga bagay na kani­lang napupulot.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with