^

PSN Opinyon

Writ of Execution ng SC, dinedma!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SINO ang may karapatan sa pitong ektaryang lupa sa New Manila sa Quezon City? Kaya naman naiungkat ang tanong na ito mga kosa dahil dalawang kampo ang nag-aagawan sa lupa, na milyones na ang presyo sa ngayon. Iginigiit ng Titan Dragon Properties Corporation na kanila ang lupa at hindi naman umaatras ang kampo ni Marlina Veloso Galenzoga.

Kaya lang, nagdesisyon na ang Supreme Court at kina­tigan nito ang Titan Dragon Properties Corp. At sa totoo lang mga kosa, nag-isyu na ng Writ of Execution ang Korte Suprema. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nitong nakaraang Setyembre 1, 2023, sinadya ng she­riff ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 92 at mga pulis ng Quezon City Police District ang lupa para ipatupad ang Writ of Execution. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, itong Supreme Court na ang pinakamataas na korte sa bansa at ewan ko lang kung puwede pang iapela ang desisyon nito.

Hindi pinayagan ng kampo ni Galenzoga, sa pamama­gitan ng kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod, na pumasok ang sheriff at mga pulis sa lupa at nagkaroon ng konting tension. Nag-alsa balutan ang sheriff at mga pulis matapos ang mainitang pagtatalo kay Baligod. Masalimuot talaga ang away lupa no mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!

Ayon pa sa kampo ni Galenzoga, hindi puwedeng oku­pahan ng Titan Dragon Properties Corp. ang naturang lupain dahil may nakatira rito na mga “informal settlers”. Ano ba ‘yan?

Kaya lang, nakakuha ng certification ang kampo ng Titan Dragon Properties Corp. sa barangay na may sakop ng lupain na nagsasaad na walang “informal settlers” sa loob ng lupain. Katunayan, ang mga “informal settles” ay nasa nasa labas ng pitong ektaryang lupa. Tsk tsk tsk!

Sino kaya ang nagsasabi ng totoo sa dalawang kampo? Dipugaaaaa! Hehehe! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sa desisyon ng Supreme Court, nakasaad na walang basehan si Galenzoga para patunayan na siya ang nagmamay-ari ng lupa. Subalit kung sa anu-anong palusot ng kampo niya, hindi talaga makapag-takeover ang kampo ng Titan Dragon Properties Corp. sa propriyedad. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kasabay nito, humingi ng police assistance ang sheriff sa tanggapan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez upang matahimik na ipatupad ang kautusan ng Korte Suprema. Mismooooo!

Mukhang walang pangil ang Writ of Execution ng Korte Suprema ah. Puwede ba na itong Korte Suprema na mismo ang magpapatupad ng kautusan nila? Tanong lang po! Hehehe! Kung sabagay, hindi lang itong awayan sa lupa sa New Manila sa Quezon City ay may ganitong problema, kundi marami pa.

Abangan!

PROPERTIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with