Mahalaga ang pag-aalmusal
Pinakamahalaga ang pagkain ng almusal.
Narito ang mga benepisyo:
1). Ang mga batang nag-aalmusal bago pumasok sa school ay napatunayang masigla at matalino; 2) Sa mga empleyado at mga manggagawa, may sapat silang enerhiya sa trabaho; 3) Malaki ang tulong ng pag-aalmusal sa mga nagdidiyeta dahil hindi gugutumin at mapapakain nang marami sa tanghalian.
Narito ang masustansyang almusal:
1. Isda at gulay
Ang pritong bangus at gulay na monggo, pechay o kangkong ay masustansya at masarap pa. Ang sardinas at dilis ay napakasustansya rin. Mataas ito sa protina at calcium.
2. Gatas o yogurt
Kumpleto ito sa protina, carbohydrates at fats. Ang skim milk o yogurt ay bagay sa may katabaan, may diabetes at may mataas na kolesterol.
3. Itlog
Kung wala namang sakit sa puso o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng isang itlog bawat araw. Ang nilagang itlog ay masustansiya at nagpapalakas.
4. Prutas
Tulad ng saging, mansanas, papaya at mangga ay sagana sa bitamina at minerals. Limitahan lang sa 1-2 piraso ito o 1-2 hiwa ng mangga lang para hindi ka tumaba.
5. Oatmeal
Ang pagkain ng 1 tasang oatmeal bawat araw ay puwedeng magpababa ng ating kolesterol sa dugo ng 10%.
6. Cereals
May kamahalan lang ang cereals pero sagana ito sa bitamina at minerals. Kapag inihalo ito sa gatas ay talagang masustansya ito.
- Latest