TINATAYANG 392 pares na lang ng Philippine Eagle ang natitira sa kagubatan dahil patuloy na lumiliit na populasyon nito.
Sinasabi nga na kung hindi maaagapan, mawawalan na tayo ng nasabing agila na kinokonsider na national bird natin.
Nakababahala na nga kung tutuusin na pati ba naman populasyon ng Philippine Eagle sa mga naiiwang forested areas ay lumiliit na rin.
Kaunti na lang ang agila sa gubat ng Luzon at Visayas. Karamihan ay sa kagubatan na lang ng Mindanao.
Kung tuluyang mawawala ang populasyon ng Philippine Eagle, ibig sabihin, kalbo na rin ang natural habitat nito. Dahil dito magkakaroon ng pagbaha tuwing may bagyo dahil nga wala nang punongkahoy na dadapuan ang kawawang ibon.
Kailangan na talaga ang awareness campaign at edukasyon sa mga kababayan natin lalo na sa kanayunan o kabukiran at sa mga lugar may naiiwan pang kagubatan.
Dati kasi, sa report ng Philippine Eagle Foundation mahigit 500 pares ang populasyon ng giant raptor.
Ngunit sa maikling panahon, naging 392 pares na lang ang Philippine Eagle. Ang bilis mawala ng ibong ito. Huwag namang hayaan na bumaba pa sa 392 ang bilang ng mga ito.