^

PSN Opinyon

Walang transportasyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Magsa-sampung taon na ang Philippine Arena, pinaka­malaking venue pang-sports, concert at convention, pero hindi pa rin inaasikaso ng gobyerno ang transportasyon patungo’t paalis sa Sta. Maria, Bulacan.

Hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin ang hirap na dinanas ng mga manonood ng Bruno Mars concerts nu’ng Hunyo. Dahil sa 55,000-seating capacity, pinili ‘yon ng orga­nizers ng dalawang gabing concerts. Nagbara ang traffic­ sa North Luzon expressway at kalye sa paligid. Ni walang direc­­tional signs. Umaga pa lang tumungo na roon ang marami, pero inumaga ng uwi dahil sa dagsa ng pribadong sasakyan.

Hindi tuloy nag-concert sa Pilipinas si Taylor Swift maski mas marami siyang fans dito. Dinaos na lang sa Singapore National Stadium at Tokyo Dome kung saan may tren, bus, taxi at malaki ang paradahan.

Mas maliit hamak ang ibang event sites sa Pilipinas. Pang-16,500 katao lang ang Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, at 15,000 sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Manaka-naka ang biyahe ng LRT-2 sa Cubao at nagta-trapik du’n dahil nakasagad ang mga gusali sa main roads na Edsa, Aurora Avenue, P. Tuazon Avenue.

Kapos din ang bagon ng LRT-1 at sobrang sikip sa Edsa at Roxas Blvd. sa paligid ng MoA.

Mas malaki nang konti ang New Clark City Athletic Sta­dium sa Pampanga, pang-20,000. Pero iniiwasan ito matapos nakawan ng daan-milyong piso ng opisyales sa 2019 Southeast Asian Games opening.

Pinabayaan na ng gobyerno ang transportasyon. Isang tren lang mula Maynila hanggang Bicol. Wala nang patungong La Union. At lalong wala sa Visayas at Mindanao. Kapos pa sa bus.

Walang eroplano patungong maraming siyudad: Ormoc at Maasin sa Leyte, Borongan sa Samar, Sorsogon sa Bicol at kalahati ng Mindanao. Kakarag-karag ang sea ferries patungong iba’t ibang isla at resorts.

Hindi tayo makaikot. Paano aandar ang trabaho, negosyo­, kalakal, pananim, turismo, industriya, kalusugan, pag-aaral, sports, kultura?

vuukle comment

BULACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with