^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Tumaas uli ang gasoline pero wala pang ayuda

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Tumaas uli ang gasoline pero wala pang ayuda

NOONG Martes, nagtaas muli ang petroleum pro­ducts­. Ang gasoline ay P0.20 per liter ang itinaas, ang diesel ay P0.40 at ang kerosene ay P0.20. Ito na ang ika-10 sunud-sunod na oil price hike. At mayroon pa raw kasunod na pagtataas sa mga susunod na linggo. Ibig sabihin marami pang pasanin at pasakit na naghihintay sa mga mahihirap na mamamayan. Kapag tumaas ang petroleum products, ang mahihirap ang tinatamaan at grabeng apektado.

Kasunod sa pagtaas ng petrolyo ay ang pagtaas naman ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, sardinas, noodles, asukal, gatas at mantika. Susunod na rito ang pagtaas ng pasahe sa jeepney at bus. Ang suweldo ng karaniwang manggagawa ay hindi na makaabot sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at pamasahe. Ka­wawa ang mahihirap sa pagtaas ng petroleum products.

Pinakaapektado ang mga drayber ng pampublikong sasakyan gaya ng dyipni at traysikel. Dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng diesel na karaniwang gamit sa mga jeepney, hindi na sumasapat ang kita nila sa mag­hapon. Kung dati ay P500 ang kanilang naiuuwi, ngayon ay P300 na lamang. Paano mapagkakasya ang karampot na kita? Sa bigas pa lamang ay simot na ang kinita sa pamamasada.

Nangako naman ang pamahalaan na magkakaloob ng fuel subsidies sa PUV drivers. Tatanggap ng tig-P6,500 ang mga driver ng tradisyunal na jeepney, public utility buses, mini buses, taxi, shuttle services taxis, transport network vehicle services, tourist transport services, school transport services at Filcabs. Tatanggap din daw ang tricycle dri­vers ng P1,000 at ang mga driver ng delivery services ay P1,200. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ipagkakaloob umano ang ayuda sa Setyembre 15.

Noon pa inihayag ng DOTr ang ayuda sa mga driver­ pero nakaka-sampung pagtataas na ang petrolyo ay wala pa ring ayudang natatanggap. Marami na ang nag­tatanong na driver kung totoo ba ang ayuda para sa kanila. Bakit daw mas nauna pang nakatanggap ng ayuda ang rice retailers kasya kanila?

Katulad ng bigas na hindi mapigilan ang pagtaas, ganito ang petrolyo. Pero mayroong magagawa ang pamahalaan para lubusang mapababa ang presyo ng petrolyo. Ito ay ang pagsuspende sa excise tax ng petroleum products.

Nakasaad naman sa TRAIN Law na kapag umabot sa $80 per barrel ang crude oil, puwede nang itigil ang pangungulekta ng tax sa petrolyo. Sa kasalukuyan, nasa $81 ang barrel ng crude oil sa world market at posible­ pang tumaas dahil sa ginagawang pagbabawas ng pro­duksiyon ng Saudi Arabia.

Kung talagang nais ng kasalukuyang pamahalaan na huwag mahirapan ang mamamayan sa sunud-sunod na oil price hike, suspendihin ang excise tax. Ito ang pinamabilis na paraan.

DIESEL

FUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with