^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabigat na parusa sa road rage

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mabigat na parusa sa road rage

Dahil sa ginawa ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales na pambabatok at pagkasa ng baril sa siklistang nakagitgitan niya, may mambabatas na nagsusulong na bigatan ang parusa ukol sa road rage. Kapag pumasa ang House Bill 8991 o Anti-Road Rage Act na pinanukala ni Deputy majority leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, mapapatawan nang mabigat ang mga masasangkot sa road rage gaya nang inakto ng nadismis na pulis sa siklista noong Agosto 8, 2023.

Sa panukalang batas ni Tulfo, papatawan ng 6 na buwan hanggang 1 taong pagkakabilanggo at multang P50,000 hanggang P100,000 ang sangkot sa road rage incident. Kung may physical injury, makukulong na 2 hanggang 4 na taon at multa na P100,000 hanggang P250,000 maliban pa sa pinsala ang ipapataw na parusa.

Kapag namatay, 6 hanggang 12 taon na kulong at multa na P250,000 hanggang P500,000 ang parusa. Nakasaad din sa panukala na kapag opisyal ng gobyerno ang masasangkot sa road rage, papa­tawan ito ng perpetual disqualification.

Magaan pa ang mga parusa sa panukala lalo na kung may namatay pero maaari pa naman itong irebisa ni Tulfo. Magaan ang 6 hanggang 12 taon na pagkakulong kung may namatay. Dapat habambuhay ang iparusa katulad nang nangyaring pagbaril at pagpatay sa isang siklista sa P. Casal St., Quiapo, Maynila noong Hulyo 2016. Nagkagitgitan din ang motorista at siklista. Nagsuntukan sila. Kumuha ng baril sa kotse ang motorista at binaril sa ulo ang siklista na nakilalang si Mark Vincent Geralde. Nakilala naman ang suspect na si Vhon Martin Tanto. Isang batang babae ang tinamaan ng ligaw na bala. Nakunan ng CCTV ang mga pangyayari. Naaresto si Tanto sa Masbate makaraan ang isang linggo.

Sunud-sunod ang insidente ng road rage. Noong nakaraang linggo, isang driver ng Toyota Fortuner ang nakagitgitan ang isang taxi sa Valenzuela City. Bumaba ang driver ng SUV at kinasahan at tinu­tukan ng baril ang taxi driver. Nakilala na ang driver ng SUV at binawi na ang lisensiya ng baril. Inihahanda ang kaso sa kanya.

Napapanahon ang batas laban sa road rage. Nararapat na ang mabigat na batas laban sa mga sangkot dito upang hindi na maulit. Dapat din na­­mang higpitan ng Philippine National Police ang pagbibigay ng gun license sa sibilyan. Idaan sa ma­susing pag-iimbestiga ang aplikante bago bigyan ng baril. Maraming nabibigyan ng lisensiya kahit sangkot sa maraming kaso gaya ng nadismis na pulis na si Gonzales. Idaan sa neuropsychiatric exam ang aplikante para masiguro na walang “sayad”. Nakakatakot gumala ang motoristang makati ang daliri sa gatilyo.

WILFREDO GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with