Mga dapat gawin sa paggising

Karamihan sa atin, paggising sa umaga, agad tuma­tayo. Hindi po dapat. Maari kayong mahilo at bumagsak dahil hindi pa ganoon ka-“gising” ang ating katawan. Puwedeng manhid pa ang paa at walang balanse sa paglalakad. Maraming maaring mangyari kung paggising ay tatayong bigla.

Narito ang mga bagay na dapat gawin paggising sa umaga.

1. Paggising sa umaga, magpasalamat sa Diyos dahil marami ang hindi na nagigising. Totoo ang kasabihang, “Every gising is a blessing”.

2. Paggising huwag tumayo agad. Dahan-dahan lang. Umupo muna ng 1 minuto at mag-unat-unat (stretch) ng leeg at balikat. Ang biglang pag-upo at paggalaw ng ulo ay puwedeng magdulot ng vertigo o pagkahilo. Mayroon ding nagko-collapse at nagdidilim ang paningin sa biglang pag­tayo, dahil nagkulang ng dugo sa ulo sa pagbaba ng blood pressure.

3. Umupo sa inidoro habang umiihi, kahit ang mga lalaki. Baka inaantok pa at bigla kang mahilo at bumagsak. May tinatawag na “micturition syncope” kung saan nag-collapse ang tao habang umiihi. Puwedeng mangyari ito.

4. Uminom ng dalawang basong maligamgam na tubig bago mag-almusal. Para luminis at maiihi ang dumi sa ka­tawan. Turo ito ng Japanese water therapy.

5. Maging positibo na magiging maganda ang iyong araw. Mag-expect na may darating na biyaya.

Show comments