^

PSN Opinyon

Container van puwedeng classroom

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ilang taon na ang nakararaan, naisulat ko na sa kolum na ito ang aking mungkahi na gawing school buildings ang mga container na ginagamit sa delivery ng malalaking trak. Ito’y bilang tugon sa malaon nang suliranin sa kakapusan ng mga classrooms. Hindi pa uso noon ang mga tinatawag ngayong “smart house” na ginagawang murang pabahay sa mga mahihirap. Ang mga ito ay gawa sa mga pinaglumaang containers ng mga trucking companies.

Mayroon nang mga enterprising businessmen na naka­isip din ng ideyang ito para mabigyan naman ng pagka­kataon ang mga mararalita na magkaroon ng disenteng matitirhan. At maganda naman ang disenyo at presentasyon ng mga tahanang yari sa mga containers. Sinasapinan lang ng insulation ang dinding ng mga ito para hindi mainit at maging komportable ang mga naninirahan dito.

Kung ihahambing sa mga conventional houses na gina­­gamitan ng semento at hollow blocks, higit na mura ito at mabilis gawin. Taun-taon na lang ay tumataas ang mga nagsisipag-enrol na mag-aaral kaya nagkakaroon ng ma­tinding kakulangan sa mga classroom. Madalas nga, nababa­litaan natin na ang mga elementary pupils ay nagkaklase sa ilalim nga mga punongkahoy lalo na sa mga lalawigan.

Para sa pagbubukas ng klase sa taong ito, tinatayang 159,000 ang kakulangan sa mga classrooms sa buong bansa. Ito ay para sa mga inaasahang mag-aaral na papasok sa K12 sa mga pampublikong paaralan. Sa palagay ko, ito ang pinakapraktikal na solusyon sa problema. Kung kulang man sa budget ang pamahalaan para magtayo ng ganyan karaming silid aralan, naniniwala ako na ang pag­tatayo ng mga gusali gamit ang mga containers ay ma­gi­ging abot-kaya.

Puwedeng himukin ang mga trucking companies na mag­donasyon ng kanilang pinaglumaang containers at ang kanilang donasyon ay maaaring gawing tax deductible.  Maaari rin naman na bilhin ng gobyerno ang mga gagamiting containers. Magandang programa ito para magkatuwang na magtutulungan ang gobyerno at mga pribadong negosyo sa pagsusulong ng de kalidad ng edukasyon sa bansa.

HOLLOW BLOCKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with