^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pulis na naman!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Pulis na naman!

HINDI pa natatapos ang kaso ng mga pulis na pumatay sa isang binatilyo sa Navotas City, may panibago na namang kaso laban sa isang pulis na nakapatay naman sa isang 15-anyos na estudyante sa tapat mismo ng tahanan nito sa Rodriguez, Rizal, noong Agosto 20. Nakilala ang biktima na si John Francis Ompad, Grade 9, ng Bgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Tinamaan siya ng bala sa tiyan na agad nitong ikinamatay. Nakilala naman ang pulis na nakapatay na si PCpl. Arnulfo Sabillo, 37, at sibilyan na si Jeffrey Baguio, 27. Lasing umano ang pulis at kasama nito.

Ayon sa report ng Rodriguez Muni­cipal Police Station, pauwi na ng bahay, sakay ng motorsiklo, ang kuya ni Ompad na si John Ace Ompad, 19, nang parahin ng dalawang lalaking nakasibilyan na sakay din ng motorsiklo. Hindi umano tumigil si John Ace at pinaharurot ang motorsiklo pauwi. Sinundan siya ng dalawa. Pagsapit sa kanilang bahay ay nakita umano niya bumunot ng baril ang mga humahabol sa kanya, kaya hinubad ang kanyang helmet at ibinato sa dalawa na naging dahilan para matumba ang mga ito. Dahil dito, binaril siya subalit ang tinamaan ay ang nakababatang kapatid na si John Francis na noon ay palabas ng kanilang bahay. Tumakas ang mga suspek pero naaresto rin at sinampahan na ng kaso.

Sunud-sunod ang nangyayaring pamamaril ng mga pulis. Wala nang tanung-tanong pa. Patay kung patay! Dahilan para malubog pa sa mabahong putik ang Philippine National Police (PNP). Walang dapat sisihin sa kanilang paglubog kundi ang mga sariling miyembro. Halos linggu-linggo ay may mga ginagawang hindi kanais-nais ang mga pulis na nagpapababa sa imahe ng PNP.

Sa nangyari sa Navotas noong Agosto 2 kung saan napatay ang 17-anyos na si Jemboy Baltazar, inamin ng Navotas Police na mistaken identity ang nangyari. Nakilala ang mga pulis na sina P/EMS Roberto Balais, P/SSg Antonio Bugayong, P/SSg Gerry Maliban, P/SSg Nikko Pines Esquillon, P/Cpl. Edward Jake Blanco at Pat. Benedict Mangada. Bukod sa anim, may iba pang kasangkot.

Mga “uhaw” na ba sa dugo ang mga pulis? Ang pamamaraan ng mga pulis ay naghahatid ng takot sa mamamayan. Tiyak na sa walang patumanggang pamamaril, marami pang mamamatay na si­bilyan. Walang kasanayan ang mga pulis kung paano magsasagawa ng operasyon. Kailangang may mamatay. Ang ganitong sunud-sunod na pangyayari ay nararapat magpagising sa namumuno sa PNP. Gawin ng PNP chief  ang lahat nang paraan para matuto sa tamang operation ang mga pulis.

vuukle comment

PNP

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with