SABI ni Vice President Sara Duterte wala siyang tinatago.
Handa umano niyang sagutin ang lahat ng tanong kung sakaling matuloy ang sinasabi ni ACT Rep Casto France Castro.
Magsasampa umano ng impeachment laban sa kanya ukol sa discretionary intelligence fund si Castro.
Sabi ni Sara, lahat ng tanong ay masasagot niya ukol sa discretionary fund.
“I hope she finds gratification and great joy over the thought of my impeachment... enjoy,” ayon pa kay Sara.
Ayon kay Castro pinag-aralan pa nila ang pagsampa ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara.
Ito ay dahil nga sa paggasta ng P125 million sa nasabing intelligence fund noong 2022.
Ayon kay Sara haharapin at sasagutin niya lahat ang kung ano mang tanong na meron sila.
Hindi naman daw siya tatakbo.
Sabi nga ni Sara na “mag-enjoy” si Castro.