^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tinatago ang bigas?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tinatago ang bigas?

Naghahatid ng pangamba ang pahayag ng Department of Agriculture (DA) na kaya sobra ang mahal ng bigas ngayon ay sapagkat posibleng itinatago ng mga tusong negosyante. Hindi naman daw dapat magmahal ang presyo ng bigas. Ganunman, sinabi ng DA na gumagawa na raw ng hakbang ang pamahalaan para ma-monitor at mapababa ang presyo ng bigas sa pamilihan. Isang paraan daw para mapababa ang presyo ng bigas ay ang pag-angkat. Kung talagang kailangan daw ay mag-iimport ang bansa.

Nasa P56 na ang bawat kilo ng bigas sa mga palengke at umaaray na ang mamamayan. Dati raw ay P35 hanggang P40 ang bawat kilo ng bigas pero nagtaka sila sapagkat biglang tumaas ang presyo. Dati raw ay nakakabili sila ng limang kilong bigas pero ngayon ay dalawang kilo na lang ang kaya ng kanilang pera.

Ang pagtaas ng presyo ng bigas ay sumabay naman sa pagtaas ng ilang pangunahing bilihin gaya ng isda, karneng baboy at manok. Noong nakaraang linggo, napabalita na magtataas ng presyo ang sardinas.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang kahilingan ng transport groups sa dagdag na pasahe sa dyipni. Bunga ito ng sunud-sunod na oil-price hike. Sa susunod na linggo ay may nakaamba na namang pag­taas ng gasoline, diesel at kerosene. Kung mag­papatuloy pa, ang kawawa ay ang mahihirap na ka­rampot ang kinikita.

Ang pinakamabigat na problema sa lahat ay ang pagmahal ng bigas na dapat ay solusyunan agad ng DA. Una nang pinangako ni President Ferdinand Marcos, tumatayo ring DA secretary na magiging P20 ang kilo ng bigas. Sunod sinabi niya sa SONA na hahabulin ang hoarders at smuggler ng agri pro­ducts. Nasaan na ang mga pangakong ito?

Kung totoo ang sinabi ng DA kaya nagmamahal ang bigas ay dahil sa hoarders, bakit hindi dakmain ang mga ito? Sampolan ang mga ganid na hoarders na pumapatay hindi lamang sa ekonomiya kundi pati sa mamamayan.

Hangga’t walang naipakukulong na hoarders at smugglers, hindi magkakaroon ng katuparan ang pangakong masaganang pagkain para sa mga Pili­pino. Kabaliktaran ang mangyayari na ang mga gaha­mang hoarder at smugglers lamang ang mangingi­babaw sa bansang ito.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with