^

PSN Opinyon

Bakit may mga batang payat?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga anak natin ay may panahon na walang ganang kumain. Ayon sa mga pediatricians, ang edad dalawa hanggang lima ay mga taon na pihikang kumain ang bata. Pagtuntong ng five years old, gagana na silang kumain.

Tingnan din ang inyong lahi. Kung ang mga magulang ng bata ay payat, puwedeng namana niya ito. Kung ang magulang naman ay mataba, puwede ring tumaba ang mga anak. Mana-mana po iyan.

Isa ring dahilan ng pagkapayat ay ang bulate sa tiyan. Madalas bang sumakit ang tiyan ng bata o dumumi ba siya na may kasamang bulate?

Alam ninyo ba na anim sa 10 Pilipino ay may bulate sa tiyan­. Grabe talaga ang problemang ito. Ang gagawin ng doktor­ ay ipatse-check ang dumi sa laboratoryo. Kung positibo sa bulate, paiinumin ng pampapurga ang bata.

Para makaiwas sa bulate, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain. Hugasan ding mabuti ang mga pagkaing hilaw, lalo na ang gulay at prutas para hindi mag­kabulate.

Ano ba ang mabilis magpataba? Siyempre, mataas sa calories ang ice cream, cake, icing, gatas at chocolate. Sa mga kantina, hinihikayat na magtinda ng masustansyang puto, bibingka at suman para tumaba ang mga bata.

Alam ba ninyo na ang peanut butter at full cream milk ay ginagamit na lunas sa mga malnourished na bata sa Africa­? Masustansya ito. Sa pagbili ng pagkain, hanapin ang may tatak­ na “Sangkap Pinoy” “fortified foods” at “vitamin-enriched.”

Paano naman ang mga sinasabing tabletang pampagana?

Alam ba ninyo, maraming pediatricians ang hindi nanini­wala sa mga pampaganang gamot. Ngunit, kung gusto ng bitamina, ang vitamin B complex ay nakapagpapagana sa ating pagkain, bata man o matanda. Ito ang tinatawag na anti-stress vitamin.

At ang mahalaga kong payo, huwag kalilimutan na paba­kunahan ang ating mga anak. Ito ay hindi dagdag gastos kundi mabisang proteksyon para hindi magkasakit ang mga bata.

VITAMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with