^

PSN Opinyon

Legal at di-medikal

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

PAANO nga ba mapapatunayan ng walang bisa ang kasal dahil sa walang kakayahang sikolohikal na gumanap ng tungkulin ang isang asawa? Ito ay sasagutin sa kaso nina Ana at Gerry.

Magkaklase si Ana at Gerry sa high school nang sila at naging magkasintahan at nag live-in na. Gustung-gusto ng mga magulang ni Gerry si Ana sapagkat siya ay masipag. Ngunit nang siya ay nabuntis tumigil na siyang magtrabaho.

Nang nanganak siya nagpakasal na sila ni Gerry na ginastusan ni Ana. Pagkaraan nito, ay di na niya nakita si Gerry.

Kaya nagsampa na si Ana sa RTC ng petisyon upang mapawalang bisa ang kanilang kasal dahil umano walang kakayahang sikolohikal na gampanan ni Gerry ang tungkulin bilang asawa.

Si Ana at ang psychologist na si Dr. Ramos ang tumestigo upang patunayan na si Gerry ay may kapansanan sa utak mula noong siya ay bata pa na hindi magagamot kaya hindi na niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa.

Ginawad ng RTC ang petisyon ni Ana at pinawalang bisa ang kasal nila ni Gerry.

Binaliktad ito ng Court of Appeals (CA) at dineklara na may bisa pa ang kasal nila Ana at Gerry. Tama ba ang CA?

Tama. Sabi ng SC ang walang kakayahang sikolohikal ayun sa batas ay dapat patunayan sa legal at hindi sa medical na pag uunawa. Kailangan ito ay matagal at manatiling karamdaman na humahantong sa pag wasak ng pagsasama bilang mag asawa. Hindi napatunayan dito sa kaso na ang pagsasama nila bilang mag asawa ay mahirap nang maibalik at si Gerry ay dina kayang managot sa kanyang tungkulin bilang asawa na hindi na ito mababago pa. Ang buod na ebidensiya dito ay di nagpapatunay na wala na talagang kakayahan si›kolohikal si Gerry na gumanap ng tungkulin ng isang asawa (Solidium vs. CA G.R 213954, April 20, 2022.)

BATAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with