Saan hahantong ang casino junket scam?
MAINIT ang casino junket scam sa Cordillera. Mahigit 200 katao ang naghain ng reklamo sa NBI-Cordillera laban sa Team Z casino junket.
Ayon sa mga nagrereklamo, tinangay nina Hector Aldwin Liao Pantollana at kapatid nitong Hubert Amiel, magkapatid na Hazen at Hein Carreon Humilde, Mikaela Damasco Ty-Choi at Virginio Casupanan ang bilyong pisong investments mula Baguio, Northern at Central Luzon, NCR, Visayas at maging sa United States.
Ngunit sabi ng Team Z, nais din nila ng katotohanan sa isyu. Hindi panig lang ng mga nagrereklamo ang dapat pakinggan. Haharapin daw nila ang anumang asunto ngunit humihingi ng patas na pagdinig at may due process.
Kung may patunay daw ang mga nag-aakusa na tinangay nila ang bilyong piso, susundin nila ang magiging pasya ng hukuman.
Tiyak aabutin nang maraming taon ang pagdinig na ito laban sa Team Z tulad sa mga naunang investment scam. Ang kawawa rito ay ang mga maliliit na investors na nag-ipon ng pera at nagbenta pa ng ari-arian. Nangarap sila na kikita ang kanilang pera pero tinangay ng mga gahaman. Pagbayarin ang scammer at ikulong!
***
Para sa suhestiyon: [email protected]
- Latest