MATAGAL na ring panahong nirereklamo ng mga pasaherong dumarating at umaalis ang kakulangan sa pushcarts sa Davao International Airport (DIA).
Parating paubusan ng pushcarts sa nasabing airport. Kaya ang nangyayari kailangan pang maghintay ng pasahero bago sila makaalis o maiaayos ang kanilang pagdating at nang may malagyan sila ng bagahe.
Panawagan ito sa Department of Transportation (DOTr, lalo na kay Secretary Jaime Bautista na palaging bumibisita rito sa Davao City.
Dagdagan ang pushcarts sa nasabing airport na tumatanggap at nagpapaalis ng pinakamaraming pasahero rito sa Mindanao.
Kung ganun na may balak pagandahin ang Davao Airport sana sa ikauunlad nito ay sabay na ring dagdagan ang bilang ng pushcarts na ginagamit ng mga pasahero sa nasabing paliparan.
Hindi naman siguro bulag o bingi si Secretary Bautista sa hinaing ng mga pasahero. Dapat aksiyonan na niya agad ang problema.