Kumain nang mabagal: Lunas sa acid reflux
Naaalala ba ninyo noong bata pa na madalas sabihin ni Nanay, “Nguyaing mabuti ang pagkain.” Tama siya. May mga pag-aaral na nagpapakita na ang marahang pagnguya ay nakababawas ng acid reflux.
Ang pagnguya nang maigi ng pagkain ay mabuti sapagkat nadudurog na ito bago pa man bumaba sa tiyan. Napapadali nito na matapos agad ang trabaho ng stomach acid at enzymes. Sa karagdagan, ang pag-focus sa pagkain ay maaaring magpamuni-muni, para ma-relax ang iyong isipan, ng sa ganon mabawasan ang stress na kung minsan ay nakapagpapalaki ng acid reflux.
Ang iba pang benepisyo ng pagkain ng mabagal ay nakatutulong na mabawasan ang timbang. Ang tiyan at ang maliit na bituka ay nagbibigay ng senyales sa ating utak kapag ang ating nakain ay sapat na. Ngunit umaabot ng 15 minuto ang mensahe bago ito makarating. Ang mga mabagal kumain ay nakakakuha ang senyales na ito kaya titigil sila sa pagkain. Ang mga mabilis naman kumain ay hindi nakakakuha ng senyales kaya sobra sobra silang kumain.
Para bumagal ang pagkain, gawing seremonya ang pagkain. Umupo sa mesa sa halip na kumain nang mabilis. Iwasan ang kumain ng naka-kamay dahil mas mainam kung gagamit ng kubyertos. Namnamin ang kulay, kayarian, amoy at lasa ng inyong pagkain. Tandaan na pinalulusog mo ang iyong katawan kaya naman gawin ang tamang proseso.
- Latest