^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naging basurahan ang Manila Bay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naging basurahan ang Manila Bay

Maraming basura ang isinuka ng Manila Bay matapos ang paghagupit ng Bagyong Egay at itinambak sa Dolomite Beach. Natakpan ng iba’t ibang klase ng basura ang Dolomite Beach na dating pinagmamalaki ng nakaraang Duterte administration na ginastusan ng P389 milyon. Kabilang ang Dolomite Beach sa Manila Bay beautification project.

Kahapon, patuloy pa sa pagsusuka ng basura ang Manila Bay kaya halos natakpan na ng basura ang buong Dolomite Beach. Nawala na ang puting buha­ngin na galing pa ng Cebu beach para magmistulang Boracay. Hinakot ng mga barge ang puting buha­ngin patungong Manila Bay.

Maraming bumatikos sa mahal na proyekto ng nakaraang administrasyon subalit wala ring nakapigil sa kanilang kagustuhan. Ngayon, kapag masama ang panahon at nagngangalit ang alon, naging tam­bakan na lang ng mga plastic na basura ang  Dolomite.

Kung ang ginastos na P389 milyon ay ginamit para mataniman ng mga bakawan ang dalampasigan­, may­roon sanang sasangga sa malalaking alon. Ma­pipigilan din ang pagluwa ng basura sa Roxas Blvd sapagkat haharangin ang mga ito. Mabisang protek­siyon ang mga bakawan.

Ginastos din sana ang pondo para sa kampanya­ na huwag magtapon ng basura sa mga estero, sapa at ilog sapagkat sa dagat hahantong ang mga ito. Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa sa Southeast Asia na malakas magtapon ng basurang plastic sa karagatan. Karaniwang tinatapon ang mga plastic­ sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, catsup, cup ng noodles, plastic bottle ng softdrinks shopping bags at marami pa. Ang mga basura ay nanggagaling sa Maynila, Cavite, Bataan at iba pang bayan at siyudad.

Sabi ni President Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taon, tutulong ang Pilipinas sa paglilinis ng basura sa mga karagatan. Hindi pa natutupad ang pangako niya sapagkat marami pa ring nakatambak na basura sa karagatan at banta sa pagkasira ng kalikasan.

Bukod sa pagtulong na paglilinis ng basura sa karagatan, mas makabubuti kung magkakaroon nang mahigpit na kampanya laban sa pagtatapon ng ba­sura sa mga estero at ilog. Patawan ng parusa ang mga mahuhuling nagtatambak ng basura sa mga dinaraanan ng tubig.

Magkaroon ng ordinansa ang mga bayan at lungsod laban sa mga magtatapon ng basura sa kung saan-saan lang. Kung hindi maghihigpit, hindi matatapos ang problema sa mga basurang plastic. Umpisahan na ito bago maging huli ang lahat.

DOLOMITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with