^

PSN Opinyon

Sa ngalan ng machete

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Ang pangayaw o ang  tinatawag na rido ay isang uri ng revenge killing na kung saan nagpapatayan ang mag­kabilang panig dahil lang sa mahabang hidwaan lalo na sa mga indigenous tribes at rido sa Muslim community.

Kaya nga ang buong akala noong pinatay ng mga miyembro ng Matigsalog tribe ang dalawang pulis na nagresponde lang sa panawagan ng tulong dahil may nag-aamok sa kanilang grupo.

Iyon ay pangayaw nga raw ngunit sinabi naman ng mga lider ng kanilang tribu na hindi yun pangayaw kundi nawawala lang sa katinuan.

Naging halimbawa ‘yun ng mga insidente na kailangan ding mag doble-ingat ang mga miyembro ng local police force lalo na ‘yung kanilang mga constituents ay mga nasa tribal communities din.

Kasi nga minsan kampante na ang ating mga kapulisan dahil kaibigan na nila ang mga taga-tribu at bigla na lang silang pagtatagain.

Walang kalaban-laban ang dalawang pulis sa pag-atake ng mga suspek gamit ang machete noong Miyerkules ng hapon sa Bgy. Lacson, Calinan District dito sa Davao City.

Rumesponde lang ang dalawang pulis sa gulo ng mga taga-tribu ng Matigsalog ngunit sila naman pala ang pinagtataga ng machete.

DURIAN SHAKE

MUSLIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with