Lemon water at calamansi water

1. Ang lemon at calamansi ay mayaman sa vitamin C at fiber na maganda sa balat, mata at puso. Isang anti-oxidant ang Vitamin C na nagbibigay proteksyon sa selula. Posible na makatutulong din sa sipon, lagnat, at problema sa gilagid.

2. Ang mga citrus fruits, tulad ng lemon, dalandan, orange at calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang iron at hindi maging anemic.

3. Hindi pa tiyak pero baka makakatulong sa pagpapayat ang lemon dahil binabawasan nito ang gana kumain. Kapag uminom ka ng lemon water ay mas busog ka. Kaya konti na lang ang makakain.

4. Dahil umiinom ka ng mas maraming tubig, makatutulong ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo kidney stones.

5. Mag-ingat lang dahil kapag matapang ang pagkaka­gawa ng lemon water, puwedeng makasama sa may ulcer at makasira ng ngipin.

6. Subukan ang ganitong timpla: Ihalo ang 1 lemon sa 1 litro na tubig. Tamang tama ito.

Show comments