Maraming dahilan ang ubo. Minsan, dulot ito ng simpleng sakit.
Ngunit kung ito ay pabalik-balik at tumatagal na, baka ito ay isa nang nakahahawang sakit.
Ang mga karaniwang sanhi ng ubo ay ang trangkaso, sipon at allergy.
Karaniwan ito ay kusang gumagaling paglipas ng mga ilang araw. Ang mga naninigarilyo ay nagkakaroon ng isang tinatawag na ubo ng naninigarilyo (smoker’s cough). Sa isang maruming kapaligiran na maraming tao, nabubuo ang ubo at plema.
Ganunman, hindi sa lahat ng pagkakataon na ang pag-ubo ay maaaring balewalain lang. Sa ilang mga kaso, ang matagal na pag-ubo ay maaaring maging tanda ng tuberkulosis (TB) at hika.
Ang TB sa ngayon ay nagagamot nang libre sa inyong mga health centers. Anim na buwan ang gamutan para gumaling at hindi makahawa sa buong pamilya.
Para sa mga taong naninigarilyo, lalo na sa mga naninigarilyo ng 10 sticks ng sigarilyo o higit pa sa isang araw, maging alerto ka sa iyong ubo dahil baka ito ay kanser sa baga. Magpa-chest x-ray
Upang maging ligtas, tumigil na sa bisyong paninigarilyo. Ang kasiyahan na makukuha sa paninigarilyo ay hindi mahalaga para ipagpalit sa malubhang sakit.