^

PSN Opinyon

Bayanihan para maresolba ang education crisis

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang tinatawag na education crisis na nararanasan ng ating bansa.

Sa ulat ng World Bank noong 2022, siyam sa 10 bata sa Pilipinas na edad 10 ay hindi marunong magbasa at hindi nakauunawa ng kahit simpleng mga salita.

Ito’y isang suliranin na hindi kayang balikating mag-isa ng pamahalaan. Kailangan nang mabilis na pagkilos ng lahat ng sektor para maagapan at maresolba ang problemang ito dahil malaki ang epekto nito sa ating ekonomiya at sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Bilang inisyatibo ng lungsod, inilunsad natin noong Lunes ang “Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kina­bukasan” na ang layunin ay pondohan ang tutoring at iba pang programa ng lokal na pamahalaan para tugunan ang learning poverty.

Layon ng learning recovery program na ito na maba­wasan ang bilang ng mga batang hindi marunong magbasa at mahina sa matematika sa pamamagitan ng dagdag na tulong pang-akademya.

Ang programang ito ay pinangungunahan ng Office of the City Mayor, Quezon City Council, Small Business and Cooperatives Development Department (SBCDPO), at Cli­­mate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).

Tampok sa Kilo/s Kyusi Store ang iba’t ibang pre-loved at hindi pa nagamit na mga kagamitan na ibebenta sa mga empleyado ng Quezon City Hall at QCitizens.

Dalawang kategorya ang gagamitin sa pagbenta ng mga gamit. Una, by Kilo—kung saan aalamin ang presyo ng item base sa kabuuang timbang ng pre-loved items at, pangalawa, ibebenta nang isa-isa ang mga mamahaling gamit na hindi pa kailanman nagamit o bihirang nagamit ngunit nasa magandng kondisyon pa.

Ang benta mula sa bazaar ay mapupunta sa Quezon City Learning Recovery Fund, na pinaglalagakan ng cash donations para sa pagpapatupad ng learning recovery programs ng mga pampublikong paaralan sa QC.

Ang giyera kontra education crisis ay laban nating lahat. Sama-sama natin itong sugpuin para sa kinabukasan ng ating mga anak at ng ating bansa.

CRISIS

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with