^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Habang may nagtitipid, may nag-aaksaya sa tubig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Habang may nagtitipid, may nag-aaksaya sa tubig

PABABA nang pababa ang lebel ng tubig sa Angat­ Dam. Noong Sabado, 179.99 metro ang level­ ng tubig. Mababa na ito sa 180 meters na minimum operating level ng dam. Ayon sa mga awtoridad, kapag nagpatuloy pa ang pagbaba ng level nahaharap sa matinding krisis sa tubig ang mga taga-National C­apital Region (NCR). Halos lahat sa NCR ay nagde­depende sa tubig na galing sa Angat Dam.

Kaya ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko, magtipid sa tubig upang hindi maubos ang nakaimbak sa dam lalo at nararamdaman na ang pananalasa ng El Niño phenomenon. Ayon sa PAG­ASA, lubos na mararamdaman ang El Niño sa Oktubre kung saan posibleng magkaroon ng tagtuyot sa maraming lugar sa bansa. Noong isang araw, may naiulat na marami nang natutuyong palayan sa Occidental Mindoro. Ang katatanim na palay ay natutuyo na. Walang maitustos na tubig sapagkat umaasa lamang sa ulan ang mga palayan.

Ang napipintong kakapusan ng tubig sa NCR ay nakabahala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya pinayuhan ang mga re­sidente na magtipid sa tubig. Isang direktiba ang ni­labas ng DENR na paigtingin ang pagtitipid ng tubig. Sakop sa kautusan ang barangay officials, condomi­nium at subdivision managers. Inaatasan ang mga re­sidente na bawasan ang pagkunsumo ng tubig. Limi­tahan ang pagdidilig ng mga halaman at paghu­hugas ng mga sasakyan. Ang paghuhugas ng sasakyan ay maaksaya sa tubig. Maraming tumatapon. May mga residente sa Metro Manila na maraming sasakyan at halos araw-araw ay hinuhugasan.

Noong nakaraang Abril, maraming lungsod at bayan sa Metro Manila ang naglabas ng ordinansa na naglilimita sa operasyon ng carwash. Maraming­ may carwash ang walang patumangga sa paggamit ng tubig. At nag-o-operate ng 24-hours ang karamihan sa mga may carwash.

Subalit hindi na natututukan ang mga negosyong carwash sapagkat lalo lamang nagsulputan sa kung saan-saan at walang taros sa paggamit ng tubig. Hindi lamang mga kotse at dyip ang hinuhugasan kundi pati mga motorsiklo.

Walang kabuluhan ang pagtitipid ng iilan sa nangyayaring ito. Nararapat na tutukan ng mga awtori­dad ang mga walang patumangga sa paggamit ng tubig na para bang walang nakaambang krisis.

ANGAT DAM

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with