^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magprotesta pa laban sa ‘pananakop’ ng China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Magprotesta pa laban sa ‘pananakop’ ng China

Hindi na maganda ang ginagawa ng China na unti-unting pagsakop sa teritoryp ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Lantaran na ang ginagawang pagdagsa nang maraming Chinese vessels at kung hindi paiigtingin ang pagbabantay ng Phi­lippine Coast Guard (PCG), magigising na lang ang mamamayang Pilipino na okupado na ng China ang mga teritoryo sa WPS. Makikita na lamang ang nakawagayway na watawat ng China. Hindi dapat mangyari ang ganito. Kailangang ipaglaban at protektahan ang soberanya.

Sinabi ng PCG na malaki ang posibilidad na okupahin ng China ang Recto Bank sa Palawan dahil sa presensiya nang mahigit 50 Chinese vessels doon. Ayon sa PCG namataan ang mga barko ng China sa Iroquois Reef na nasa Recto Bank. Ang Recto Bank ay pinaniniwalaang maya­man sa resources gaya ng langis at iba pa.

Sinabi ni West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, na hindi lang ilang beses nakita ang mga barko ng China sa Recto Bank. Lagi umanong may mga barkong umaaligid pero itong huli ang pi­na­kamarami at sa kanilang pag-aanalisa, gusto nang kontrolin ng mga Chinese ang lugar. Ang Recto Bank ay mahalagang feature sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang pagkilos ng pamahalaan sa ginagawang unti-unting pagsakop at pagkamkam sa pag-aari ng Pilipinas ay nararapat nang paigtingin. Maghain pa ng protesta laban sa China dahil sa ginagawang pananakop. Bukod sa paghahain ng protesta, mag-ingay nang mag-ingay para mapansin ng world press. Malalagay sa mga balita ang ginagawang pag-angkin ng China sa hindi naman kanila. Una nang nag-utos ang UN tribunal na pag-aari ng Pili­pinas ang mga inaangkin ng China.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. na kahit pulgada ng teritoryo ng Pilipinas ay hindi niya hahayaang maangkin ng China. Alamin ng Presidente ang nangyayari sa Recto Bank gaya nang sinabi ng PCG. Baka magising isang umaga, na kontrolado na ito ng China.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with