Pasma
Ayon sa mga paniniwala, ang pasma ay nagdudulot ng panginginig at pagpapawis ng kamay. Sumasakit at namamanhid din ang kalamnan. Ngunit sa aking pag-aaral, maraming sakit ang puwedeng magdulot ng sinasabing sintomas ng pasma. Dapat iwasan natin ang mis-diagnosis o maling gamutan.
Kadalasan ito pala ang mga tunay na sakit ng pasyente. Halimbawa:
1. Arthritis – sumasakit, sumisikip at namamanhid ang kamay sa arthritis. Dahil ito sa pag-edad at sobrang gamit ng kamay at katawan.
2. Carpal tunnel syndrome – pamamanhid ng kamay ang sintomas dulot ng sobrang paglaba, at paggamit ng kamay sa trabaho. May naiipit na median nerve dito.
3. Hyperhidrosis – nagdudulot ng sobrang pagpapawis sa kamay at paa. Puwede sa nerbiyos o namamana ito.
4. Lumbar and sacral disease – manhid at masakit ang paa at binti, posible dahil may naiipit na ugat sa likod.
5. Diabetes – nakasisira ng nerves at nagdudulot ng pamamanhid sa paa at kamay.
6. Parkinson’s Disease – nanginginig ang kamay (tremors) at hirap maglakad na parang matutumba palagi.
7. Edema from heart and kidney disease – ang manas ay puwede magmula sa sakit sa puso at kidneys.
8. Varicose veins – nagkakaroon nito kung laging nakatayo at nakaupo at namamana rin. Gumalaw-galaw at magsuot ng compression stockings.
Huwag balewalain ang mga naturang sakit at sabihin na pasma lang. Dapat matukoy kung anong sakit ito para magamot. Kumunsulta sa inyong doktor.
- Latest