^

PSN Opinyon

Kahit may kanser, may pag-asa pa

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Maraming klase ng kanser. May kanser na nagagamot pa. May kanser na nakokontrol. May kanser na mabagal gumalaw o nare-reverse ang paglaki. Depende sa kanser at kondisyon ng pasyente. Kahit anong stage pa ito, puwede pa ring mapahaba ang buhay.

2. Ang payo ko magpatingin sa doktor. Sundin ang payo ng doktor kung chemotherapy o surgery ang kailangan. Lakasan ang loob at palakasin ang katawan. Huwag munang umasa sa mga alternatibong gamutan dahil mas malaki ang tsansa ng pasyente sa gamutan ng doktor.

3. Kahit sabihing stage 4 pa, iba’t iba pa rin ang kahi­hinatnan nito. May stage 4 na seryoso at kalat na sa ma­raming parte ng katawan. May stage 4 na kaunti lang ang kalat at mas maganda ang prognosis. Tinawag lang ng ganitong stage dahil sa depinisyon ng staging.

4. Maraming factors ang tumutukoy sa haba ng buhay. Mahalaga ang gamutan ng doktor, suporta sa nutrisyon, suporta ng pamilya, lakas ng loob, determinasyon ng pasyente, positibong pananaw at pagdarasal sa Diyos.

5. Walang makapagsasabi ng haba ng buhay. Walang sinuman ang tiyak sa kanyang kinabukasan. Bilang doktor­ ang tungkulin ko ay magbigay inspirasyon at lakas ng loob sa pasyente. Katuwang ng tamang gamutan, bigyan ng pag-asa at pagmamahal ang pasyente. Tandaan: Walang imposible sa Diyos. Naniniwala ako na bibigyan Niya tayo ng sapat na buhay para magawa ang ating mga misyon.

KANSER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with