1. Nagpapabuti sa kalidad ng pagtulog – Ang chamomile tea ay naglalaman ng apigenin, isang uri ng antioxidant na nagsusulong na makatulog ka. Sa isang pag-aaral, ang taong kumo-konsumo ng 270 mg ng katas ng chamomile tea 2 beses bawat araw sa loob ng 1 buwan ay nagkakaroon ng 33% na mas magandang tulog at mas mabilis makatulog ng 15 minuto kesa sa hindi umiinom nito.
2. Nakatutulong sa panunaw – Ayon sa pag-aaral, ginagamit ito upang gamutin ang ilang mga karamdaman sa panunaw, kabilang ang pagduduwal.
3. Maaring magprotekta sa kanser – May antioxidant na nilalabanan ang kanser sa thyroid.
4. Maaaring makontrol ang blood sugar – Hindi pa ito tiyak pero ayon sa pag-aaral, ang mga taong umiinom ng chamomile tea araw-araw sa loob ng dalawang buwan ay bumaba ang blood sugar.
5. Maaaring makatulong sa puso – Sagana sa flavones, isang klase ng antioxidant na nagpapababa ng blood pressure at kolesterol.
6. Maaaring makatulong sa depresyon – Sa mga pagsasaliksik, posibleng mabawasan ang sobrang pangamba at depresyon.