^

PSN Opinyon

Palakasin ang immune system

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming sakit ang naglalabasan ngayon gaya ng COVID, swine flu, bird flu, tuberculosis at iba pa. Alam na ninyo ang tungkol sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.

Pero may pagkakataon na hindi talaga maiiwasan ang madapuan ng mga sakit na ito. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging panlaban natin ay ang ating immune system. Ito yung resistensiya at lakas ng ating katawan. Kapag malakas ang katawan, walang epekto ang virus at mikrobyo.

Paano palalakasin ang katawan? Narito ang mga payo na makatutulong:

1. Matulog ng 7-8 oras bawat gabi. Kung kaya mong matulog ng mas mahaba ay okay din. Sa pamamagitan ng tulog, naghihilom ang organo ng ating katawan. Kung hindi ka makatulog, mahiga na lang at ipahinga ang isip. Lalakas ka na rin.

2. Relaks lang sa pagtatrabaho at sa gawaing bahay. Puwede mo naman gawing mas magaan ang iyong trabaho. Huwag gaano mag-isip at maging aburido. Maging mas mapasensiya. Gawin mo lang ang kayang magagawa. Hindi kailangan magmadali palagi.

3. Kumain ng masustansyang pagkain. Ito talaga ang panlaban natin sa mga sakit. Ang pagkain ng berdeng gulay, sari-saring prutas (saging, mansanas, dalandan) at isda ay nagpapalakas ng katawan.

4. Kumain sa tamang oras. Huwag magpakagutom. Kumain ng agahan. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang sabi nga ay “Kumain ng breakfast na parang isang hari. Tanghalian na parang isang prinsipe. At hapunan na parang pulubi.” Subukang mag-merienda ng prutas tulad ng isang saging o mansanas.

5. Uminom ng 8-12 basong tubig. Ang tamang pag-inom ng tubig ay mga isang basong tubig bawat 2 oras. Huwag hayaang matuyo (ma-dehydrate) ang iyong katawan. Panatilihing maputi at malinaw ang kulay ng iyong ihi. Ito ang palatandaan na sapat ang tubig sa iyong katawan. Paggising sa umaga, ugaliin uminom ng isang basong tubig.

6. Uminom ng multivitamins. Kahit anong bitamina ay makatutulong sa iyo. Mas mura ang mga vitamins sa generics na botika. Halos P2 ang isang tableta.

7. Maging positibo ang pananaw. Magdasal sa umaga at pasalamatan nating ang Diyos sa mga biyayang ibinigay niya sa atin. Isiping magiging maganda ang iyong araw at siguradong susuwertehin ka sa araw na ito.

8. Kumunsulta sa doktor. Kung mayroon kang sakit sa katawan (diabetes, altapresyon, at iba pa), kailangan natin ito bigyan ng tamang gamot para lumakas ang iyong katawan.

IMMUNE SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with