^

PSN Opinyon

Pag-aampon, bilihan at bentahan ng bata online, kuwidaw!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

” Ngayon pa lang, nagbibigay-babala at ‘lerto na ang BITAG sa mga mahihilig mag-online.

Ingatan, iwasan at markahan ang mga Facebook page na nanghihikayat ng pag-aampon o adoption sa pamamagitan ng online. Ilegal at bawal ito sa Pilipinas. Huwag na huwag tangkilikin!

Mismong ang Inter-Agency Council Against Trafficking­ (IACAT), nagbabala na rin. Kasabay nito ang mariing­ pagkondena ng National Authority on Child Care (NACC) sa mga nangyayaring human trafficking o baby trafficking.

Sakaling makaengkwentro kayo ng mga ganitong online site o Facebook page huwag mag-atubiling ipa-#ipa­BITAGmo!

Simula pa nang nakaraang taon, nagpahayag na ng pagkadismaya ang NACC. Natiktikan nila ang ilan sa mga Facebook account na sangkot sa pangangalakal ng mga sanggol at mga paslit.

Tandaan, breeding ground, playground, pugad at isang covert area of operation ang mga online site ng mga sindikato, dorobo, manloloko.

Hindi na ito bagong bagay sa BITAG. Hunyo ng naka­raang taon, nadiskubre namin ang underground surrogacy clinic sa Pampanga. Lumapit sa amin ang isang babaing biktima na nakatakas. Ibinunyag niya ang baby factory para sa mga sanggol.

Ang kanilang handler, ipinagagamit at pinarerentahan­ ang kanilang mga bahay bata sa mga kliyente ng under­ground surrogacy clinic kuno. Subalit, ang sumbong ng bik­tima, ang mismong kliyente ng surrogacy clinic ang pisikal na nakikipagtalik sa mga inuupahang kababaihan.

Hindi legal ang surrogacy sa Pilipinas kung saan ang matris ng babae ay uupahan ng mga mag-asawang gustong magkaanak na hirap magbuntis o may problema sa kanilang katawan.

Surrogacy, ibig sabihin walang pisikal na pagtatalik ang biological father at ang surrogate mother. Ito ang dahilan kung bakit tumakas ang biktima sa bahay kung saan daw sila pinapatira ng kanilag handler.

Lahat ng ito, nagsimula sa Facebook, sa online. Aktibidades na pangangalakal ng mga sanggol na may halong prostitusyon.

Maraming naglipang dorobo at sindikato online. Iba iba ang kanilang mga pamamaraan at estilo kaya mag-ingat!

Inuulit ko. Sakaling makaengkwentro kayo ng mga ganitong online site o Facebook page huwag mag-atubiling ipa-#ipaBITAGmo!

BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with