^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kilos pagong, imbestigasyon sa Bunduquin murder

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kilos pagong, imbestigasyon sa Bunduquin murder

MAYROON nang tinukoy ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs) na nasa likod ng pag­patay sa broadcast journalist na si Cresenciano Bunduquin ng Calapan, Oriental Mindoro. Isa umanong police major at kasamahan nito na operator ng peryahan ang sinasabing ‘‘utak’’ sa pagpatay. Binabatikos umano ni Bunduquin sa kanyang programa ang mga peryahan sa Mindoro.

Sabi ni PTFoMs Executive Director Paul Gutierrez, ang police major at kasamahan nito na hindi niya binanggit ang mga pangalan ay kinakailangang maimbitahan para makapagbigay ng liwanag sa pagpatay kay Bunduquin. Ayon kay Gutierrez, bukod sa dalawang persons of interest, tatlo pang personalidad ang pinag­sususpetsahang sangkot sa murder ng broadcaster.

Ang pagkakadawit ng police major sa kasong ito ay naghahatid ng pangamba sapagkat may posibilidad­ na hindi umusad ang imbestigasyon dahil mga pulis din ang inaasahang mag-iimbestiga. Makatitiyak kayang iimbestigahan ng mga pulis ang kapwa nila pulis lalo pa’t mataas ang ranggo nito. Ito marahil ang dahilan kaya mabagal ang pag-aresto sa suspek na si Isabelo Bautista, 45. Si Bautista na umano’y taga-Bansud, Oriental Mindoro ay hindi pa naaaresto hanggang ngayon.

Naganap ang pagpatay kay Bunduquin noong Mayo 31, 2023 ganap na 4:30 ng madaling araw. Binubuksan ni Bunduquin ang kanyang grocery store sa Bgy. Lalud, Calapan City nang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang dumating. Bumaba ang angkas at binaril si Bunduquin at saka sila tumakas.

Hinabol sila ng anak ni Bunduquin gamit ang kotse. Nang abutan, binundol nito ang motorsiklo at tumilapon ang drayber at namatay noon din makaraang humampas sa railings. Tumakas ang angkas na nakilalang si Bautista.

Ayon sa report, nakalabas na ng Oriental Mindoro si Bautista. Ipinakalat na ang kanyang mga larawan upang mahuli. Pero ang nakapagtataka, masyadong mabagal sa pagkilos ang pulisya. Kung nakalabas na sa probin­siya ang sinasabing gunman, nagpapakita lamang ito na mabagal nga ang pulisya. Dahil kaya kabaro nila ang pinaghihinalaan sa kaso?

Si Bunduquin ang ikatlong mamamahayag na pinatay sa ilalim ng Marcos administration. Una ay ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental na pinagsasaksak noong Set. 18, 2022. Ikalawa ang veteran broadcaster na si Percy Lapid na binaril at napatay noong Okt. 3, 2022 sa BF Resort Village sa Talon Dos, Las Piñas. Hanggang ngayon, wala pang nakakamit na hustisya ang mga nabanggit.

Noong Hulyo 2022, nangako ang Malacañang­ na mag­lalatag ng mga bagong programa ang pamahalaan­ para maproteksiyunan ang mga miyembro ng media­. Kailan ito magaganap at mararamdaman?

JOURNALIST KILLINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with