LTOPF at gun license renewal ng FEO, matagumpay!
Dinagsa ng mga Pinoy gun holders ang Firearms and Explosive Office (FEO) sa Camp Crame para i-renew ang kanilang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at lisensiya ng baril. Sinabi ni FEO director Brig. Gen. Kenneth Lucas na matagumpay ang kanilang unang dalawang araw na pagbukas ng opisina bunga sa madaming Pinoy ang lumutang sa Camp Crame kahit maigsi ang pasubali nila sa kanilang mga kliyente.
Tiniyak ni Lucas na tataas pa ang bilang ng mga Pinoy na mag-avail ng bagong sistema nila, lalo na kapag pinabuksan ng amo niyang si Civil Security Group (CSG) chief Maj. Gen. Benjamin Silo Jr. ang mga satellite offices nila sa buong bansa. Eh di wow! Hehehe! Umaabot sa 1.2 milyon na Pinoy ang registered gun holders subalit mahigit 500,000 ang hindi nakapag-renew ng kanilang LTOPF at gun license. Mismooooo!
Sinabi ni Lucas na natuwa ang mga parukyano nila dahil kokonti lang sila di tulad ng weekdays na sobrang haba ng pila. “Malaking bagay para sa kanila dahil hindi na sila nagtatagal bunga sa maigsi lang ang pila di tulad sa weekdays,” ani Lucas. At higit sa lahat, hindi na sila magpapaalam o mag-absent sa kani-kanilang opisina dahil wala naman silang pasok tuwing Sabado at Linggo. Eh di wow!
“I’m encouraging all firearms holders to renew their respective LTOPF and firearms licenses to avoid being inconvenienced later on,” ang panawagan ni Lucas sa mga Pinoy gunholders. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon kay Lucas, umabot sa 28 Pinoy ang lumutang nitong Sabado at Linggo para iayos ang kanilang information technology concerns, o ‘yaong mali ang address o iba pang impormasyon nila, lalo na ang kalibre ng kanilang baril. May anim namang pulitiko o very important persons na nag-avail ng kanilang VIP lounge na matatagpuan sa ground floor ng one-stop-shop ng FEO. Ayosssss ah! Hehehe! May ganitong gimik pala itong FEO sa liderato ni Lucas?
Sa parte naman ng LTOPF renewal, may kabuuang 163 Pinoy ang lumutang sa FEO office sa Camp Crame at 120 naman ang nag-avail ng firearms registration. May 85 gunholders naman ang kumuha ng Neuro-psychiatric tests, samantalang 49 naman ang pumasailalim ng drug tests. Sa National Police clearance naman, 20 ang nag-apply.
Ayon pa kay Lucas, nakapag-release sila ng 37 LTOPF cards, samantalang 26 naman sa firearms license cards. Hehehe! Kahit konti lang ang numero sa itaas subalit naging busy din naman ang mga empleado ni Lucas, no mga kosa? Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa?
Ang maganda nito, walang reklamo ang lahat ng parukyano ng FEO ng nakaraang Sabado at Linggo at nakangiti pa sila nang lisanin nila ang Camp Crame. Ni hindi nga sila pinawisan. Teka, paano sila papawisan, tulad ng weekdays, eh malakas pala ang ulan nitong nagdaang weekend. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Abangan!
- Latest