Ang mga anti-inflammatory foods ay panlaban sa pamamaga ng mga baga (lungs) ay nakababawas sa mga sintomas.
1. Green Tea. Naglalaman ng maraming anti-oxidants na makatutulong para maiwasan ang pamamaga ng baga. Ang compounds nito ay maaari rin protektahan ang tissue sa baga para sa nakapipinsalang epekto ng paglanghap ng usok ng sigarilyo.
2. Orange na prutas at gulay gaya ng kalabasa, orange, at papaya ay puno ng antioxidant na sustansya para sa baga. Kabilang din ang Vitamin C na kilalang panlaban sa impeksyon at pamamaga.
3. Ang omega-3 fatty acids na matatagpuan sa isda gaya ng sardinas, tamban, tuna at salmon ay tumutulong para mabawasan ang pamamaga ng baga at panlaban din sa bakterya.
4. Beans. Ang maganda sa puso ay maganda rin para sa baga at ang beans ay isang halimbawa nito. May taglay ito ng zinc, selenium at manganese.
5. Mani. Nagbibigay sa iyong katawan ng Vitamin E, at nakatutulong na bawasan ang pamamaga at palakasin ang iyong immune system.
6. Uminom nang maraming tubig. Ang mainit na tubig ay makabubuti para mapawi ang iyong lalamunan at maprotektahan ang baga sa iritasyon sa pamamagitan ng pag-alis ng plema. Importante na laging sapat ang tubig sa katawan para lumabnaw ang plema at madali itong mailabas at hindi bumara sa daanan ng hangin.