^

PSN Opinyon

Pagkain para sa baga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga anti-inflammatory foods ay panlaban sa pama­maga ng mga baga (lungs) ay nakababawas sa mga sintomas.

1. Green Tea. Naglalaman ng maraming anti-oxidants na makatutulong para maiwasan ang pamamaga ng baga. Ang compounds nito ay maaari rin protektahan ang tissue sa baga para sa nakapipinsalang epekto ng paglanghap ng usok ng sigarilyo.

2. Orange na prutas at gulay gaya ng kalabasa, orange, at papaya ay puno ng antioxidant na sustansya para sa baga. Kabilang din ang Vitamin C na kilalang panlaban sa impeksyon at pamamaga.

3. Ang omega-3 fatty acids na matatagpuan sa isda gaya ng sardinas, tamban, tuna at salmon ay tumutulong para maba­wasan ang pamamaga ng baga at panlaban din sa bakterya.

4. Beans. Ang maganda sa puso ay maganda rin para sa baga at ang beans ay isang halimbawa nito. May taglay ito ng zinc, selenium at manganese.

5. Mani. Nagbibigay sa iyong katawan ng Vitamin E, at nakatutulong na bawasan ang pamamaga at palakasin ang iyong immune system.

6. Uminom nang maraming tubig. Ang mainit na tubig ay makabubuti para mapawi ang iyong lalamunan at maprotektahan ang baga sa iritasyon sa pamamagitan ng pag-alis ng plema. Importante na laging sapat ang tubig sa katawan para lumabnaw ang plema at madali itong mailabas at hindi bumara sa daanan ng hangin.

vuukle comment

LUNGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with