^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaking hamon sa bagong DOH chief

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malaking hamon sa bagong DOH chief

MAHIGIT isang taon bago nakapili si President Ferdinand Marcos Jr. nang itatalagang Health secretary. Maraming pangalan din ang lumutang para sa DOH chief. Noong Lunes, tinuldukan na ang mga haka-haka sa itatalagang hepe ng DOH si Dr. Ted Herbosa ang pinili ni Marcos. Bago ang pagkakatalaga kay Herbosa, ang DOH ay pinamumunuan ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, bilang officer-in-charge.

Hindi na bago si Herbosa sa DOH. Naging DOH undersecretary siya mula 2010 hanggang 2015 at siya rin ang Executive Vice President ng University­ of the Philippines System mula 2017 hanggang 2021. Nagsilbi rin siyang Special Adviser sa National Task Force Against COVID-19. Nagtapos siya ng Medisina sa University of the Philippines.

Pinag-isipang mabuti ng presidente ang pagta­talaga kay Herbosa sapagkat umabot ng isang taon bago nakapagpasya. Ibig sabihin, malaki ang tiwala ng presidente kay Herbosa na mapaglilingkuran nito nang maayos at mahusay ang isa sa mga pinakamahahalagang departamento. Nakasalalay sa pinuno ng DOH ang kalagayan ng kalusugan ng mamamayan at kung paano ito mapapangalagaan. Malaking hamon sa DOH chief kung paano magpapasya sa pagtama ng pandemya gaya nang nangyari noong 2020. Maraming pagkukulang ang DOH nang panahong iyon dahilan para kumalat ang sakit. Masusubok ang kakayahan ni Herbosa, sakaling may tumamang katulad na sakit sa bansa.

Malaking hamon din kay Herbosa ang exodus ng healthcare workers. Noong 2021-2022, maraming HCWs ang nangibang bansa para humanap nang ma­gandang buhay. Hinaing ng HCWs ang maliit na sahod.

Isa rin sa mga problemang dapat harapin ni Her­bosa ay ang mga benepisyo ng HCWs na ipinagkakait ng mga hospital na pinagtatrabahuhan. Mayroong hindi nakatatanggap ng kanilang overtime at mga bonuses lalo sa kasagsagan ng pandemya. Mara­ming beses na silang nagreklamo at nag-rally pa para lamang ma­rinig pero naging bingi ang mga may-ari ng ospital.

Ilan lamang ito sa mga problema na kahaharapin­ ni Herbosa. Pero malaki ang aming paniwala na masosolusyunan niya ang mga problema. Unahin niya ang kapakanan ng HCWs sapagkat kapag nawala ang mga ito, apektado ang serbisyo sa mamamayan. Walang mag-aasikaso sa mga pasyente at babagsak ang healthcare system sa bansa. Iprayoridad ang mga nagtatrabaho sa pagamutan.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with