^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangamba ng mga magsasaka ng sibuyas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pangamba ng mga magsasaka ng sibuyas

Nangangamba ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas na maulit ang nangyari noong naka­raang Disyembre 2022 na tumaas ang presyo ng sibuyas at silang mga magsasaka ang apektado. Ito ay dahil sa napipintong pag-angkat ng sibuyas na inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) noong nakaraang linggo. Ayon sa DA, balak ng pa­ma­halaan na mag-angkat ng 8,000 metric tons ng sibuyas para mapunan ang kakulangan. Ang pag-ang­kat ay sinang-ayunan naman umano ni President Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak din ng DA na hindi tataas ang presyo ng sibuyas gaya ng nangyari noong nakaraang taon na umabot sa P700 per kilo. Hindi na umano mang­yayari ang ganun kataas na presyo sapagkat sa kasalukuyan ay marami pang stock na sibuyas sa mga storage. Bubuksan daw ang mga storage para matiyak na hindi iniipit ang mga sibuyas.

Noong nakaraang taon, maraming umiyak sa presyo ng sibuyas sapagkat sobrang mahal. Maraming naghinala na itinago ng mga negosyante ang sibuyas kaya biglang naging “ginto” ang presyo. May mga nag-akusa rin na kakutsaba ng mga corrupt DA officials ang mga smugglers ng agri pro­ducts kaya bumabaha ang mga sibuyas, carrots, bigas at iba pa.

Sabi ng mga local farmers, hindi naman kaila­ngang mag-angkat ng DA ng sibuyas sa panahong ito sapagkat sapat ang suplay. Panahon ng harvest ng sibuyas at sa rami nang aanihin ngayon ay baka mabulok lamang dahil kulang ang cold storages, Kung aangkat pa ng 8,000 metric tons ang DA, saan nila ilalagay, tanong ng mga magsasaka. Kung walang paglalagyang cold storages, masasayang lamang ang mga aangkatin.

Kailangan daw maubos muna ang mga lokal na aning sibuyas at saka lamang mag-angkat, ayon sa mga magsasaka. Matutulungan na sila ay wala pang mabubulok o masasayang. Ang dapat daw matyagan ay ang mga smugglers na hindi lamang pumapatay sa mga local onion farmers kundi lumulumpo sa kaban ng bansa. Dahil pawang palusot, walang kini­kita sa buwis na dapat ay ibabayad sa mga ipinapasok na commodities.

Sabi noon ni President Marcos Jr. masakit sa kalooban niya na mag-angkat nang agri products. Para sa kanya, ang agricultural na bansa na gaya ng Pilipinas ay hindi dapat nag-aangkat sapagkat malawak ang tanimang lupa.

Bakit hanggang ngayon patuloy sa pag-angkat­ hindi lamang sibuyas kundi maging asukal at bigas. Anyare?

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with