^

PSN Opinyon

EDITORIAL — Loose firearms tutukan ng PNP

Pilipino Star Ngayon
EDITORIAL — Loose firearms tutukan ng PNP

NAKAKATAKOT ang mga nangyayari ngayon­ na kinasasangkutan ng loose firearms. Maraming nagkalat na baril at ginagamit ng sibilyan na parang balewala lang. Nakapagtataka kung saan nanggagaling ang mga baril na ito at tila hindi namo-monitor ng Philippine National Police (PNP). Nag­hahatid ng pangamba na dahil sa walang kontrol na pagdadala ng baril ng kahit sino na lang ay luma­ganap ang krimen sa bansa. Kaunting ‘di pagka­ka­unawaan o  kaya’y away sa trapiko, magbabarilan na. O di kaya’y traffic enforcer na binaril ng motorista na kanyang sinita.

Gaya halimbawa nang nangyari noong Linggo ng hapon sa Bgy. Daang Amaya, Tanza, Cavite kung saan binaril at napatay ng isang lalaking nakamotorsiklo ang sumitang traffic enforcer. Naki­lala ang biktima na si William Mentes Quiambao, residente ng Bgy. Tres Cruses, Tanza. Ang suspect na pinaghahanap pa ay nakilalang si Joseph Llagas ng Bgy. Biga, Tanza.

Ayon sa Tanza police, pinara ng biktima ang suspek dahil wala itong helmet at nang hanapan ng OR-CR ang motor, walang maipakita at nagkaroon ng pagtatalo. Sasagasaan pa umano ang biktima kaya nagtulung-tulong na ang mga traffic enforcers para pigilan ang suspek. Hanggang namaril na ito at saka tumakas kasama ang isa pang lalaki.

Hindi lang ito ang unang pangyayari na may kaugnayan sa loose firearms. Isang motorista ang nagalit makaraang i-clamped ang kanyang sasakyan sa Malate, Manila. Sa galit ng suspect, binaril niya ang isang barangay councilor na inakala niyang nag-utos na i-clamped ang kanyang sasakyan. Nahuli ang suspect.

Ang pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4 ay naiuugnay sa loose firearms. Isang grupo ng kalalakihan na armado ng baril ang pumasok sa compound ni Degamo at binaril ito. Kasamang napatay ang walong iba pa.

Ngayong malapit na ang barangay elections lalo nang dapat pagtuunan ng PNP ang pagsamsam sa loose firearms. Paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms. Naghahatid ng pangamba at takot ang mga krimen kaugnay dito.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with