^

PSN Opinyon

Paano nakatutulong ang Juander Kit para maagapan ang krisis sa edukasyon sa bansa

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Paano nakatutulong ang Juander Kit para maagapan ang krisis sa edukasyon sa bansa
Mga mag-aaral ng Culiat Elementary School bitbit ang kanilang Juander Kits o “STEM-in-a-backpack”.

Nakagugulat at nakababahala ang datos mula sa pag-aaral ng World Bank na iniliabas noong June 2022, kung saan sinasabing 91 percent ng mga batang Pilipinong 9-12 years old ay hindi bihasa sa pagbabasa. Sabi sa parehong pag-aaral, “Sa edad na 10, lahat ng bata ay dapat nakababasa na.” Ipinakikita ng pag-aaral na ito ang kinahaharap na learning crisis, hindi lamang ng mga kabataan, pati na rin ng buong bansa.  https://documents1.worldbank.org/curated/en/099000207152223103/pdf/IDU002b5536c0db4104ec3087d809906ec2eae56.pdf

May magagawa tayong mga magulang para maagapan ang problemang ito. Sabi nga nila, ‘It takes a village to raise a child.’ Kaya bilang magulang, hindi dapat hinahayaang natatapos sa paaralan ang pag-aaral ng ating mga anak. Makatutulong ang tuluy-tuloy na paghubog sa kanilang curiosity maging sa bahay, dahil malaking bahagi ito ng kanilang academic performance. 

Sa tingin ko bilang isang nanay, napakaganda ng naging ideya ng Unilab Foundation (ULF) at Center for Integrated STEM Education Inc. (CISTEM) dahil naisip nila ang proyektong Juander Kit o “STEM-in-a-backpack,” na nagsusulong sa Science, Technology, Engineering, at Math sa mga bata. 

Ayon sa ULF, una nilang inilabas ang “Science of Us” (SoU) noong pandemya sa mga estudyante ng public school sa kindergarten, Grade 1, at Grade 2.   Dito ay namahagi sila ng “lab-in-a-box,” isang home-based STEM camp kung saan ang mga bata at ang kanilang mga magulang ay sabay na natututo sa bahay. Ang modules ay may kaakibat ding mga video at regular online teacher interaction. 

Ang mga mag-aaral at magulang ng Culiat Elementary School na binigyan ng Juander Kits kasama ang mga opisyal ng Unilab Foundation.

Napansin ng Unilab na maganda ang naging resulta ng SoU. Ayon sa kanilang media brief, “Bumuti ang scientific attitude at critical thinking ng lahat ng nasa K-Gr. 2. Sinasabi rin ng mga magulang na tumaas ang kanilang science-based knowledge at nagkaroon sila ng bagong teaching strategies. Ipinakita ng proyekto ang kahalagahan ng patuloy na pag-aaral sa bahay.”

Upang dumami pa ang maaabot ng proyekto, binuo ng ULF at CISTEM ang “Juander Kit” na nais nilang ipamahagi sa mas marami pang mga tahanan. Ang STEM kit na ito ay epektibong magagamit ng mga bata at kanilang mga magulang sa bahay kahit pa walang tulong mula sa guro.  

Ano nga ba ang Juander Kit at ano ang nilalaman nito? Kilala rin bilang STEM-in-a-backpack, isa itong interactive learning tool na dinisenyo upang hubugin ang curiosity na natural sa isang bata. Sa loob ng waterproof na backpack ay may activity book na binuo ng award-wining educators at nakasulat sa Ingles at Filipino.  May STEMista props (pambatang lab coat at magnifying glass) din, isang pencil pouch, at mga kagamitan para sa limang activities (e.g. beaker, measuring spoons, seeds, potting soil, cheesecloth, plastic straws, at basic school supplies). Mayroon din itong guide na nagbibigay kumpiyansa sa mga magulang na maging learning partners ng kanilang mga anak at tulungan silang matuto ng Science at Math. 

Sabi ni Lou Sabrina Ongkiko, isang Master Teacher sa Culiat Elementary Schoool na naimbitahang maging bahagi ng proyekto, ang Juander Kit ay may mga karakter na magugustuhan ng mga bata -- kagaya nila Lyka Likha, Mikmik Atomik, Mina Masid, Niño Genio, at Matt Talas.  Sa tulong ng ugali ng mga karakter na ito, mabibigyang-diin sa mga bata ang kahalagahan ng pagiging malikhain, mapagtanong, mapagmatyag, at matalino. 

Pinili tutukan ng Unilab at CISTEM ang mga batang nasa kindergarten, Grade 1 at Grade 2 dahil ito ang formative years ng isang bata.  Sabi ni Ongkiko, kahit hindi pa itinuturo ang science sa mga baitang na ito, makatutulong ang proyekto sa kanilang curiosity dahil nagbibigay ito ng iba’t-ibang paraan para matuto, at nahuhubog din nito ang kanilang interes sa science, technology, engineering, at mathematics. 

Ayon sa Executive Director ng ULF na si Lilibeth Aristorenas, isinusulong ng foundation ang STEM dahil matutulungan nito ang bansa na paghandaan ang “future of work” o ang paghanda sa mga manggagawa ng bansa at sa mga industriya na sumabay sa mga pagbagagong  dulot ng digitization, advancements sa teknolohiya, at iba pang trends.   Importante ang STEM education sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa dahil sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng mga malakihang mga pagbabago o innovation, sustainability at global competitiveness.

(L) Ang Executive Director ng Unilab Foundation na si Ms. Lilibeth Aristorenas (R) Ipinakita sa akin ni Teacher Lou Sabrina Ongkiko ang mga laman ng JuanderKit bags.

Isa rin daw itong paraan upang mahikayat ang mga kabataan na maging scientists at engineers, na kailangan para sa overall economic development. Dahil hindi lahat ng paaralan ay may laboratories, naisip ng Unilab na dalhin ang STEM lab sa bahay ng bawat bata gamit ang Juander Kit.

Sang-ayon si Raihannah Ilejay, isa sa mga magulang na nabigyan ng Juander Kit. Naniniwala siyang tulung-tulong dapat ang mga guro at magulang para maagapan ang educational gap. “Maraming tinuturuang estudyante ang mga guro, di-katulad ko na isa lang ang anak, talagang natututukan ko yung anak ko pag nag-aaral kami,” sabi niya. 

Dagdag pa ni Liezl Ann Climaco, dahil sa Juander Kit ay nakapagbibigay ang mga magulang na katulad niya ng mas maraming learning opportunities para sa kanilang mga anak.  

Bilang isang hands-on mom, naniniwala ako sa halaga ng pagiging curious ng mga bata, lalo na sa mga paksa o kaalaman na may kaugnayan sa STEM. Dito’y natututo silang magtanong, kusang maghanap ng mga sagot at ng mga bagong discovery, at kusang itama ang kanilang mga maling solusyon.  Kaya mas lumalalim ang kanilang pag-unawa sa STEM concepts.  

Sang-ayon si Ongkiko. Para sa kanya, nakatutulong ang proyekto na bigyan ang mga bata ng angkop na kakayahan upang sila ay magtagumpay at magkaroon ng magandang buhay. “Pag lumaki itong mga bata, sila ang magdedesisyon para sa bansa natin. Sila ang boboto. Sila ang magiging productive citizens. Kung saan sila pupunta, saan nila gagamitin ang galing nila, makakaapekto yun sa bansa natin.”

Umaasa ang ULF at CISTEM na dumami pa ang mga sponsor ng Juander Kits para mas marami pa silang maabot na mga mag-aaral na siyang magkakaroon ng mas malalim ding dedikasyon sa larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics.

---

Panoorin ang Pamilya Talk sa FacebookYouTube at Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu. Iparating ang inyong mga tanong at suhestiyon, at sumulat sa [email protected].

EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with