TUMATAAS ang kubransa ng Small Town Lottery (STL) sa Laguna dahil sa walang puknat na kampanya sa illegal gambling na isinasagawa ni provincial director Col. Randy Glenn Silvio. Sa pag-upo ni Silvio bilang PD ng Laguna, ang koleksiyon ng STL ay aabot lang sa P9 milyon kada araw. Subalit dahil sa walang humpay na kampanya niya laban sa bookies ng STL, abayyy tumaas na ito sa ngayon sa P11 milyon. Eh di wow! Kaya’t tuwang-tuwa ang financier ng STL sa probinsiya na si Don Ramon. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Ano pa nga ba!
Ang kampanya ni Silvio laban sa illegal gambling ay isinasagawa na niya kahit hindi pa humihingi ng tulong si PCSO General Manager Mel Robles kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. para iwasiwas ang bookies ng STL at iba pang sugal lupa para tumaas ang kubransa ng ahensiya. Si Silvio kasi mga kosa ay “no take” sa illegal gambling alinsunod sa kautusan ni Acorda. Para tumaas ang kubransa ng STL, ang ginawa ni Silvio ay minimiting ang mga tauhan niya para alamin ang mga lapses sa kampanya vs sugal lupa. At kapag nakita na nila ang dahilan, siyempre inaaksiyunan kaagad nila ito. Mismooooo! Kaya labs ni Don Ramon si Silvio. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa?
Kaya lang kahit anong sipag ni Silvio at mga tauhan niya, siyempre may nagpapalusot pa o ang operation ng bookies ng STL ay gerilya, tulad na lang ni alyas Mayang, ang Reyna ng bookies sa Sta. Rosa. Umiingreso si Mayang ng aabot sa P2 milyon kada araw. Ang ipinagmamalaki ni Mayang ay hindi siya matitinag ng lokal na kapulisan dahil kamag-anak niya ang mayor ng Sta. Rosa at ang hepe ng pulisya ay inaanak niya. Araguuyyyyy! Hehehe! Kaya pala walang huli ang bookies ni Mayang. Ambot sa kanding nga may bangs!
Si alyas Melody naman ang operation ng bookies ng STL niya ay sa Sta. Rosa rin, at sa Biñan. Ang amo ni Melody ay isang Maj. Eburo, anang mga kosa ko. Sa Calamba naman ang financier ng bookies ng STL ay mismong konsehal ng bayan. Hehehe! Ano pa ba ang bago riyan? Ang kubransa sa Calamba ay aabot sa P2.5 milyon kada araw. Sa Los Baños naman ang may pa-bookies ay si alyas Jaywen at sa San Pablo ay si Sherwin. Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan! Kapag na lambada na ni Silvio ang mga bookies na nabanggit sa itaas, tiyak lalong tataas ang kubransa ng STL ni Don Ramon, di ba mga kosa? Sa ngayon, nililista ni Silvio ang top STL bookies operators ng Laguna para masama sila sa unit performance o rating ng Chief’s of police. Kapag hindi nahuhuli ng COPs ang mga bookies operators sa area nila, matic na relieve sila. Abangan!