^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi iningatan ang Central Post Office

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Hindi iningatan ang Central Post Office

KUNG kailan nasunog saka lamang nalaman ang kahalagahan at kagandahan ng Manila Central Post Office Building na nasa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Saka lamang may nanghinayang. Pero noong hindi pa ito nasusunog, pinababayaan na ito. Ang likuran ng gusali ay maraming basura, maputik at may mga pulubing nakatira sa gilid. Lagi ring bumabaha sa likod na ang tubig ay halos pumasok na sa mismong gusali.

Sa harapan ng gusali ay makikita ang mga naka­paradang pampasaherong bus at UV Express. Nagi­ging tambayan na rin ng ilang tao at  may mga vendor na naglisaw. May mga basurang nagkalat at iba pa na hindi magandang tingnan sapagkat nasa background ang magandang tindig ng gusali na dinesenyo­ mga kilalang arkitekto na sina Tomas Mapua at Juan Arellano noong 1925.

Ngayon maraming nanghinayang sapagkat wala na ang gusali ng Manila Central Post Office maka­raang masunog noong Linggo ng gabi. Tinatayang P300 milyon ang halaga ng nasunog. Bukod sa mga mahahalagang dokumento, paintings, sulat, selyo, may mga national IDs na nasunog umano. Umabot ng 30 oras bago ganap na naapula ang apoy na nagsimula ng 11:00 ng gabi noong Linggo (Mayo 21) at natapos ng 6:33 ng umaga ng Martes (Mayo 23).

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) dalawang bahagi ng gusali ang nasunog na nagsimula sa basement. Mabilis umano ang pagkalat ng apoy at nahi­rapan ang mga bumbero dahil walang ventilation ang gusali. Wala rin daw mga water sprinklers ang gusali kaya tuluy-tuloy ang pagkalat ng apoy.

Sabi naman ni Philippine Postal Corporation Postmaster General Luis Carlos, kabilang sa mga nasunog­ ay mga stamp sa museum at iba pang mahahalagang dokumento.

Napabayaan at hindi naingatan ang isa sa mga mahahalagang gusali ng bansa. Kung may pagmamahal ang mga namumuno sa gusali, dapat pinagsikapan nilang lagyan ito ng water sprinklers para protek­siyon sa sunog. Pero hindi nila ginawa. Hindi na pinag-aksayahan ng panahon dahil siguro iniisip nila na post office lang naman. Hindi na naman uso ang pagpapadala ng sulat sa kasalukuyan kaya hindi na pinag-uukulan ng pansin para alagaan at pag-ingatan.

Kung kailan nasunog na saka may nanghihinayang.

FIRE

MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with