^

PSN Opinyon

Sister City Agreement sa Rishon LeZion

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

KASAMA ang ilang opisyal ng Lungsod Quezon, nagtungo tayo kamakailan sa Israel para lumagda ng Sister City Agreement sa Rishon LeZion, ang ikatlong pinakamala­king­ lungsod sa Israel na may pinakamataas na quality of life.

Bukod sa pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang lungsod, malaki ang maitutulong ng kasunduan na aming pinir­mahan ni Mayor Raz Kinstlich para mapaigting pa ang pagtutulungan ng Quezon City at Rishon LeZion pagdating sa iba’t ibang programa at proyekto.

Kabilang na ito ang mga programa sa edukasyon, secu­rity, smart technology, innovation, food security, water manage­ment, trade and investments, pagtatayo ng start-up ecosys­tem, disaster preparedness, turismo at marami pang iba.

Naglibot din tayo sa Rishon LeZion kasama sina City Administrator Michael Alimurung, QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margarita Santos at QC Engineering Department Head Atty. Dale Perral para personal na makita ang best practices ng lungsod na maaari nating ipatupad sa ating siyudad.

Una sa ating binisita ay ang Rishon Start Up complex, isang startup complex na eksklusibong itinayo ng siyudad para sa mga technological entrepreneurs.

Ang mga entrepreneur na pumasa sa screening committee ay libreng nakakapagtrabaho at nagagamit ang complex sa pagbuo ng kanilang proyekto. Mayroon ding kahalintulad na programa ang QC – ang StartUP QC – kung saan bibigyan natin ng karampatang tulong ang mga kwalipikadong QCitizen techpreneurs.

Magandang modelo naman para sa isang mixed use township ang 1000 Dunam Complex, isang urban develop­ment project sa Rishon LeZion.

Personal din nating nakita ang sistema ng Rishon LeZion pagdating sa drainage system, waste disposal manage­ment pati na ang pagpapatakbo sa kanilang makabagong call center system na nagbibigay ng agarang serbisyo sa ma­mamayan tuwing panahon ng emergency, search and rescue at iba pang public order and safety concerns.

Ipinakita sa ating delegasyon ang Geographic Information System, na tumutulong sa pagtukoy ng mga gusaling malaki ang posibilidad ng pagguho at mga lugar na lubhang tatamaan kapag nagkaroon ng malakas na lindol.

Pinuntahan din natin ang Netafim, isa sa mga nangungunang irrigation company sa buong mundo, para makita ang kanilang hydroponic garden na maaari nating tularan para mapalakas ang ating mga programang pang-agrikultura tulad ng GrowQC.

Matagumpay ang ating pagdalaw sa Rishon LeZion. Malaki ang maitutulong ng ating napulot na mga ideya para mapaigting pa ang serbisyong hatid natin sa QCitizens.

vuukle comment

BUSINESS

QCITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with