Done deal

Tiyak na kukulo ang dugo ng China ngayong selyado na uli ang pagsuporta ng United States sa Pilipinas, hindi lamang sa mga isyung pang-ekonomiya kundi pangseguridad.

Ito ang napagkasunduan nina President Marcos at U.S. President Biden sa kanilang bilateral talks sa Washington.

Dati naman tayong matibay na kaalyado ng U.S., datapwat nagkaroon ng gray area nang ihayag ni dating Presidente Duterte ang pakikipag-alyansa sa China at tahasang paghahayag ng galit sa U.S.

Hindi natin malilimutan ang sinabi ni Duterte na “Pre­sident Obama, you can go to hell.” Ito’y kaugnay ng pang­hihimasok ng U.S. sa mga isyung nauukol sa Pilipinas.

Isinumpa pa ni Duterte na kailan man ay hindi siya dadalaw  sa naturang bansa sa loob ng kanyang termino bilang presidente. So, balik tayo ngayon sa dati. Ang Pinas at U.S. ang tunay pa ring magkasangga sa harap ng mga sigalot sa mundo

Ang problema ngayon ay kung papaano maibabalanse ni Marcos ang relasyon ng Pilipinas sa China at U.S. na ma­higpit na magkalaban ngayon sa umiiral na geopolitical conflict sa daigdig.

Ang pagsasabi ni Marcos na “we are friends to every­one and enemy to no one” ay isa lamang diplomatic line, sa aking palagay na hindi masusunod sa panahon ng aktuwal na krisis.

Show comments