Ang industriya ng interior design matapos ang pandemya

Ang bagong gradweyt na si Julius Edrien Santos (para sa Lipad exhibit) ay nag-isip ng makabagong disenyo para sa Manila airport na may outdoor dining area kung saan puwedeng panoorin ng mga pasahero ang pag-alis at pagdating ng mga eroplano.

Hindi na mabilang ang mga naging pagbabago noong kasagsagan ng pandemya. Nag-iba ang takbo ng ating lipunan pati na ang paggalaw ng mga industriya sa bansa.

Nang lumala ang COVID-19 pandemic noon, lahat ay napilitang manatili sa kanilang mga tahanan. Ang mga kabahayan ay nagbagong-anyo rin upang maging isang opisina, eskuwelahan, at maging lugar para sa libangan. Dahil sa isang lugar na lamang ginagawa ng mga tao ang kanilang iba’t-ibang tungkulin, naging mahalaga ang pagkakaroon ng maaliwalas at magandang personal space dahil nakapagbibigay ito ng positive emotional energy na makatutulong sa productivity at well-being natin.

Ayon nga kay Victor Ruel Pambid, Dean ng Philippine School of Interior Design (PSID), “It's not just about styles or materials anymore. Floor plans are shifting. People are re-examining their relationship to spaces and how they see and consider space with virtual and physical no longer being a binary choice. Our goal is to really have a more meaningful impact on the environments we design and improve the quality of life through design."

Dahil sa pandemya, higit na mas mahalaga at kinakailangan na kumportable ang isang tahanan. Malaking tulong ang pagdidisenyo upang magkaroon ng maaliwalas na pakiramdam saan mang silid. Bukod pa rito, maaari mo ring maipahayag ang iyong personalidad, at lalo mo pang mapaghuhusayan ang iyong trabaho o pag-aaral dahil masaya at kumportable ka sa disenyo ng iyong paligid. Tayo ang humuhubog sa ating tahanan, at may kakayahan rin ang tahanan upang hubugin tayo. 

Bilib na bilib ako sa galling ng pagdidisenyo ng mga bahay at gusali.  Nakamamangha kung papaano pinagsasama ng designers ang iba’t-ibang materyales upang makabuo ng isang katangi-tanging sining. Sa kasamaang palad, hindi ako nabiyayaan ng ganoong talento dahil ang aking pagkamalikhain ay lumalabas sa paggawa ko ng mga kuwento na makatutulong sa aking komunidad. 

Upang mapalawak pa ang karanasan, kaalaman, at pagkamalikhain ng mga may hilig sa pagdidisenyo na tulad ko, nag-organisa ang Philippine School of Interior Design – Ahlen Institute ng isang online open house event sa paparating na Abril 29, 2023, Sabado, 2 p.m. Ang kanilang virtual door ay bukas para sa sinumang interesado sa interior design course.
Ibabahagi ng PSID faculty, alumni, at mga mag-aaral ang karanasan at pananaw nila sa kanilang mga professional interior design careers at industry trends. Bukod pa rito, maaari ring makita ang mga kakaibang obra ng kanilang mga estudyante at faculty (https://www.facebook.com/PhilippineSchoolofInteriorDesign). 


 
Para sa karagdagang inspirasyon at kaalaman tungkol sa mga pagbabago sa industriya ng interior design, narito ang primer.  

Interior design sa post-Covid Era

 “Once considered a luxury, interior design is now for everyone.”

Bago pa man dumating ang COVID-19 sa bansa, unti-unti nang nagbabago ang industriya ng interior design. Sa mga nakalipas na taon, dahan-dahang nabago ng condominium developments ang customer expectations para maging mas functional at efficient na espasyo ang isang tirahan. Katulad ng kasabihang “no wasted space,” mas gusto ng mga property owners na ma-maximize ang espasyo ng kanilang silid. Dahil sa pandemya at tumataas na halaga ng real estate, mas nahihikayat ang maraming tao na mag-renovate sa halip na lumipat. 

Hugis Atbp. exhibit Tatsulok gallery

Upang magpatuloy ang design industry, kahit ang mga pinaka-tradisyonal na mga institusyon, paliparan, opisina, ospital, paaralan, at pamahalaan ay inisipan kung paano babaguhin ang disenyo ng mga ito batay na rin sa mga pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyang lagay ng bansa. 

May koneksyon ang espasyo sa lahat ng ating gawain. Ito ay naka-aapekto sa ating mood, energy, behavior, experiences, culture, performance, productivity, at marami pang iba. Kaya dahil sa pandemya, nagkaroon ng mga panibagong trends sa disenyo ng bawat imprastraktura sa bansa upang tumugon sa lahat ng mga bagong kinakailangan ng mga tao. 

"Design has to be responsive to new needs and designers serve as agents for change, in part accomplished by understanding the interrelationship of people and the built environments. We are looking at things at a larger scale. Every space in the world is being redesigned right now, giving interior designers the opportunity to give our homes, offices, and public spaces new purpose," sabi ni Pambid.

Nagdulot man ng napakaraming hamon ang pandemya, naging sagana rin ito sa oportunidad pagdating sa trabaho, careers, at professional success sa mundo ng interior design.

Ginawan ng disenyo ang isang maliit na fitness studio para puwede itong gamitin bilang studio o silid para sa online classes.

Present ang interior designers sa lahat ng uri ng espasyo at lugar — residential man o commercial. Ang bawat imprastrakturang kaaya-aya sa mata ay siguradong dumaan sa proseso ng interior design. Upang maging isang matagumpay na interior designer, kailangan mo ng isang komprehensibong pag-aaral at experience na maaari mong ipamalas sa creative discipline ng interior design. Katulad na lamang ng lighting design, textile at material selection, at maging ang interior landscaping. Bukod sa iyong kakayahan, ang pagkakaroon ng degree sa interior design ay nakapagbibigay din ng kredibilidad. 

Ang kursong BS Interior Design ng PSID–Ahlen Institute ay sumesentro sa paglalapat ng intelligent design sa real-life issues na siyang tumutulong din sa mga estudyante na magkaroon ng sistematikong pagtingin sa pagdidisenyo.   

Nagbibigay din ang PSID ng isang specialized educational experience. Bukod dito, malaking benepisyo sa mga mag-aaral ang practitioner-faculty, kabilang na ang award winning interior designers tulad ni Chat Fores ng Chat Fores Design Studio, na naging isang luminary sa kanyang industriya.

Sa loob ng mahigit 56 na taon, ang PSID ay isa sa mga pinakamatatag na institusyong pang-akademiko sa sektor ng interior design. Hindi rin mawawala ang mga nagdaang estudyante nito na kabilang sa top 10 ng mga interior design licensure exam. Isang magandang pagkakataon rin para sa mga estudyante ang internship opportunities na meron ang PSID. Dagdag pa rito, malaking tulong din ang kanilang malawak na koneksyon sa mga successful alumni nila na mayroon na ring sariling mga design firms, tulad nila Jigs Adefuin, Vianca Favila, Mark Steven Perez, at Jesy Cruz na may ari ng Adefuin Design Studio, Empire Designs, at Alero Design. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang facebook page ng PSID.

Kinilala si PSID faculty Chat Fores Ng National Commission for Culture and the Arts at binigyan siya ng award (interior design category) noong Pebrero .
Chat Fores Design Studio

---

Panoorin ang Pamilya Talk sa FacebookYouTube at Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu. Iparating ang inyong mga tanong at suhestiyon, at sumulat sa editorial@jingcastaneda.ph.

Show comments